top of page
WINNER - 200 EMPLEYADO NG ABS-CBN, TATANGGALIN-ABS CBN.jpg

Du’n daw magkakaalaman… GERALD, IDEAL DATE ANG CAMPING PARA MA-TESTING ANG BABAE

Writer: BULGAR
BULGAR
18 minutes ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 17, 2026



Gerald Anderson-IG @andersongeraldjr

Photo: Gerald Anderson-IG @andersongeraldjr



Hindi nagmamadali si Gerald Anderson na muling umibig. Sa ngayon, mas focused muna siya sa iba pa niyang mga ginagawa sa buhay, gaya ng negosyo at career.

Isa sa mga bago niyang negosyo ang Trivera powered by SOLORA, isang glamping resort sa Zambales. 


Tungkol sa posibilidad na magkaroon muli ng pag-ibig, sey ni Gerald, “Tingnan natin, darating ‘yan. Just like anything else, manifestation. You have to manifest. Right now, I am manifesting about the West Philippine Sea, about business, about career. ‘Di minamadali.”


Nang tanungin naman kung ano ang estado ng kanyang puso, pabirong sagot niya, “Bayani naman s’ya [puso ko], bayani pa rin s’ya.”


Samantala, mas gusto raw niyang mag-camping nang mag-isa. Para sa aktor, maaari rin itong maging magandang idea para sa isang date.


Aniya, “Mas okay kung solo, pero kung may kasama, dapat cowboy. Ideal date ko s’ya kasi ru’n mo malalaman ano’ng klaseng tao kayo. ‘Pag medyo mahirap, uncomfortable.”

Kabilang sa mga pinakabagong proyekto ni Gerald ang Pusong Bayani, isang online reality series tungkol sa West Philippine Sea (WPS).


Ibinahagi niya kung gaano kalaki ang naging epekto sa kanya ng proyekto.

Aniya, “It was very life changing and inspiring. Before this, mahilig ako mag-research ng documentary sa WPS. I really hope and pray na mapanood s’ya ng mas maraming tao. Sana ngayon pa lang, makapanood sila para ma-realize nila ang nangyayari.”





After ng hiwalayan nila… 

SIGAW NG EX NI RYAN BANG: CHARMING IN PUBLIC, IBANG-IBA ‘PAG WALA NANG CAMERA



NAGBIGAY ng curiosity sa mga netizens ang dating fiancée ni Ryan Bang na si Paola Huyong matapos siyang magbahagi ng ilang cryptic reposts sa social media.


Ang mga reposts nito ay tungkol sa mga taong tila friendly, charming at kagalang-galang sa publiko, ngunit maaaring iba ang ipinapakita kapag nasa pribadong sitwasyon na.


Wala namang binanggit na pangalan si Paola at hindi rin niya ipinaliwanag kung sino o ano ang tinutukoy ng kanyang mga posts.


Isa sa mga quote cards na kanyang ibinahagi ay may nakasulat na: “They’re charming in public, respected by everyone, generous, funny, and the first to offer help. They know exactly how to protect their reputation while destroying someone else’s peace behind closed doors.”


Ito pa ang isa: “They’re extremely good at making everyone else feel comfortable, except for the people they are already close to. That is why people struggle to believe women when they finally speak. They say, ‘They were always the nicest to me.’ And that’s the whole point.


“Some people wanna look like a good person. Being one cost more. Some people don’t wanna do better. They just don’t wanna look bad. A clean reputation don’t (sic: doesn’t) automatically mean clean hands.”


Hindi malinaw kung ano ang intensiyon ni Paola sa pagre-repost ng mga naturang mensahe. Ang mga posts ay napansin ilang buwan matapos kumpirmahin ni Ryan noong Hunyo, 2026 ang kanilang paghihiwalay after engagement.

Well, parinig kaya ito sa kanyang ex-fiancé?





TOM, SPOTTED DAW NA KASAMA ANG MAG-INA SA TAGAYTAY 



MULING napag-usapan online ang personal na buhay ng aktor na si Tom Rodriguez matapos maglabas ng blind item ang isang online entertainment website.


May headline itong: “Is She the Wife of Tom Rodriguez and Mom of His Child?”

Kasama sa post ang mga larawan na sinabing mula sa Instagram accounts na @akosimangtomas at @bundleofjoystudioph.


Tinanong sa blind item kung ang babaeng kasama ni Tom ay ina ng kanyang anak, ngunit walang direktang kumpirmasyon mula sa aktor.


Kaya naging aktibo ang mga netizens sa comment section. May ilan na nagsabing nakita umano nila si Tom at ang babae kasama ang isang bata.


Isang commenter naman ang nagsabing nakita rin umano nila ang dalawa sa Rosario, Tagaytay, at napansin daw na hands-on si Tom sa pag-aalaga ng anak.


Aniya, “She is cute. I saw them, very western looking. Si Tom, mukhang nag-e-enjoy being a dad kasi karga ‘yung bata at nilalaro n’ya.”


Ang mga pahayag ay mula lamang sa mga anonymous commenters at wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kay Tom.


Sa kabila ng iba’t ibang reaksiyon, meron ding mga netizens na nagsabing mas mabuting respetuhin ang privacy ng aktor, pati na ang pamilya nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page