top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

Drug overdose ang ikinasawi ni Grizzlies forward Clarke

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 1 min read

by MC @Sports News | August 27, 2026



Drug overdose ang ikinasawi ni Grizzlies Forward Clarke

Photo: Memphis Grizzlies forward Brandon Clarke



Mayroong heroin, cocaine, morphine at maraming gamot na may reseta sa kanyang sistema nang mamatay si Memphis Grizzlies forward Brandon Clarke, iyan ay ayon sa resulta ng autopsy na inilabas ng Los Angeles County Medical Examiner. 


Unang hinihinalang aksidente ang kanyang pagkamatay pero ang epekto pala ng heroin at cocaine ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay kung saan ang "pinagsamang epekto ng maraming gamot na may reseta" ay nakalista pa para sa "may iba pang mahahalagang kondisyon."


Noong Mayo 11, si Clarke, 29, ay natagpuang walang malay sa kanyang tirahan sa San Fernando Valley at idineklarang patay nang datnan ng paramediko. Ang paglabas ng autopsy ay nangyari matapos ang mahigit dalawang linggo matapos ang  paunang anunsyo mula sa medical examiner na naglalaman ng halos parehong impormasyon.


Iginugol ni Clarke ang buong pitong taong karera sa NBA Grizzlies matapos maglaro ng college ball para sa San Jose State at Gonzaga. Sa mahigit 309 na laro (50 pagsisimula), may average na 10.2 puntos at 5.5 rebounds,  nagtapos sa ikaapat na pwesto sa Rookie of the Year voting noong 2019-20.


Hindi nakapaglaro sa simula ng nakaraang season sa Memphis matapos ang operasyon sa tuhod at bago matapos ang kampanya ay nagkapinsala pa  sa binti.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page