top of page

DREW, MAGPAPA-VASECTOMY NA PARA ‘DI NA MABUNTIS SI IYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 3, 2023




Sa guesting ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano sa Fast Talk with Boy Abunda, may naging pahayag si Drew na okey na sila ni Iya sa pagkakaroon ng apat na anak — tatlong lalaki at isang babae.


Stop na raw talaga sila at ayaw nang magdagdag ng Baby No. 5.


Pangako ni Drew na magpapa-vasectomy na siya upang mapanindigan ang kanyang pangako kay Iya.


Kumpara kasi sa naunang tatlong anak nila, medyo nahirapan si Iya sa pang-apat niyang panganganak. Kaya, gusto niyang magpahinga na sa pagbubuntis upang matutukan ang apat na anak na nagsisilaki na.


Parehong may career sina Iya at Drew. May regular segment si Iya sa 24-Oras. Si Drew naman ay matagal nang host sa travel show na Biyahe ni Drew.


Nag-celebrate na ang show ng 10th anniversary, kaya espesyal ang episode na kanilang inihanda at kinunan sa South Korea.


Kasama ni Drew sa kanyang biyahe ang misis na nagdiwang ng kaarawan. Nilibot nila ang iba’t ibang tourist spots sa SK na dinarayo at nagiging set ng mga K-dramas.


Super enjoy si Drew sa kanyang travel show dahil likas na hilig niya ang adventure sa pag-explore sa iba’t ibang magagandang lalawigan sa ‘Pinas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGARY - BEA, NOT ONCE BUT TWICE NANG NAUDLOT ANG KASAL-IG _beaalonzo.jpg
bottom of page