top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Drama sa Senado, ‘di raw bibilhin… POKWANG, TINAWAG NA GUNGGONG ANG MGA SENADOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 29, 2026



Drama sa Senado, ‘di raw bibilhin… 
POKWANG, TINAWAG NA GUNGGONG ANG MGA SENADOR

Photo: IG / Pokwang




Tiyak na may magre-react sa comment ni Direk Lino Cayetano na “Talo tayo, Direk” sa post ni Direk Erik Matti na, “Sa sama ng karakter, kuwento at iskrip ng Senado, alam na natin. PH (Philippine) cinema is dead!”


Sagot ni Direk Erik kay Direk Lino, “Oo, ang lungkot,” at may mga naki-comment na rin. 


May comment na, “Na para bang ‘di mo mga kapatid ang Best Actor at Supporting Actress sa Senado.” 


May sumagot pa ng “Kasi naman Direk, ‘di ata sila nag-acting workshop.”

Nag-comment din si Pokwang ng “True, kahit pirated, ‘di bibilhin ng mga nag-iisip ang drama ng ilang gunggong na ‘yan. Hahaha!”


Matagal nang may isyu ang magkakapatid na sina Direk Lino, Senate President (SP) Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano kaya bibigyan ng kahulugan ang comment ni Direk Lino sa post ni Direk Erik.


Maraming taga-showbiz ang nagla-like at nagko-comment sa post ni Direk Erik at tila hindi sila takot sa galit at bashing ng DDS (diehard Duterte supporters). Natutuwa ang mga netizens na maraming taga-showbiz ang nagre-react sa mga nangyayari sa Senado.





Walang sinasayang na oras si Alden Richards na kagagaling lang sa Siargao para sa taping ng series nila ni Nadine Lustre na Love, Siargao (LS)


Hindi uso sa Kapuso actor ang pahinga dahil isang araw lang yata siyang nagpahinga, sumabak na agad sa medical immersion bilang paghahanda sa taping ng bago niyang teleserye sa GMA na Code Grey (CG).


Kasama ni Alden sa medical immersion sa Ospital ng Maynila ang halos karamihan sa cast ng medical series na pinangungunahan nina Christopher de Leon, Kristoffer Martin, Faith Da Silva, Christian Bautista, Shuvee Etrata at Andrea Torres.


Sa hospital ginanap ang medical immersion ng cast at ipinakita sa kanila kung paano ang tamang paghawak at paggamit ng hospital equipment. Inilibot din sila sa buong hospital at ipinaliwanag ang purpose ng bawat facility. 


Dahil sa medical immersion na iyon, mas na-appreciate ni Christian ang mga doctor, nurse at iba pang mga hospital workers na nasa medical field.


And going back to Alden Richards, kabilang siya sa mga tatakbo sa gaganaping Sparkle Run sa Saturday, May 30, 2026, sa Quirino Grandstand. Sanay siya sa takbuhan kaya maghanda na ang makakasabay niya.





MASAYA at may halong pagmamalaki ang post ni Ice Seguerra sa pag-upo niya bilang director ng Eat… Bulaga! (EB!).


Aniya, “It’s my first day on the job!!! I had trouble sleeping the past few days dahil sa kakaisip. While I’m used to directing concerts, live TV is a totally different animal. I have more to learn but I think today was a good day.


“I want to thank Ate Jenny for the trust na kaya kong gawin ito. Tita Poochie, mula 3 years old ako, you’ve been guiding me at hanggang ngayon, ikaw pa rin ang gabay ko sa bagong journey na ito. To my controlmates, especially our CamTD (Camera Technical Director) Paul, thank you for making it easy for me.


“Sa aking mahal, Liza, for the encouragement and for always believing in me. And to my mama, Caridad, ilang beses kang nag-manifest noong nabubuhay ka pa. Eto na, Mama! Nagkatotoo na!”


Comment ni Liza, “It’s Ice’s first day as director of Eat Bulaga! Let’s send him lots of love and positive vibes. Go, go, go my love! So proud of you!”


Maaalalang sa EB! nagsimula ang career ni Ice Seguerra nang sumali siya sa Little Miss Philippines noong 3 years old pa lamang siya. The rest is history at ngayon, isa na siyang magaling na singer, actor at director.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page