Drama Queen lang daw sa paninira sa anak… DIREK JOEY SA MEDIA: NANAY NI YULO, 'WAG NANG PATULAN!
- BULGAR
- Aug 7, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 7, 2024

Napapanahon ang pakiusap ni FDCP Chair Joey Reyes sa media patungkol sa nangyayari kay gold medalist Carlos Yulo.
“My dear colleagues in the media: He just lifted the spirit of the nation by winning TWO OLYMPIC GOLD MEDALS. The people are overwhelmed with pride and joy.
“So please don’t give media space to a drama queen mother who wants to tarnis the moment of GLORY of HER OWN SON regardless of personal reason.
“She and her narrative should be collectively IGNORED.”
Kaya lang, mahirap sundin ang pakiusap na ito ni FDCP Chair Joey lalo at pati ang sister ni Carlos, nag-comment na rin. Tigilan na raw ang pagpapakilala sa brother nitong si Karl na kapatid ni Carlos dahil may pangalan ang kapatid niya. Pero, hindi nito mabanggit ang pangalan ni Carlos at tinawag niya itong “kineme” bagay na ipinag-react ng mga netizens.
Nakaka-touch naman ang panawagan ng ama ni Caloy na si Mark Anthony Yulo nang ma-interview ng Bombo Radyo na magkaroon ng chance na makapag-usap ang kanilang buong pamilya. Pati ang GF ng anak na si Chloe San Jose para matapos ang awayan sa kanilang pamilya.
Sinabi nitong kahit ibigay na sa iba ang pera, ang importante maibalik ang pagmamahalan sa kanilang pamilya.
Anyway, bongga ang mom ni Carlos, si Atty. Raymond Fortun ang kinuhang lawyer para tulungan siya sa basher at parody accounts na pinalalabas na siya ang nagsasalita at nagpo-post. Nabanggit ni Atty. Fortun na magpapatulong sa NBI si Angelica para ma-identify ang mga naninira sa kanya at magpa-file ng cybercrime.
Si Carlos Yulo naman, patuloy na tumatanggap ng pledges at incentives at hindi siya magugutom sa rami nang magbibigay ng free food na karamihan ay chicken.
Ang pasasalamat ni Gary Valenciano sa mga bumati sa kanya sa kanyang ika-60th birthday kahapon. Yes, may dual citizenship na si Gary dahil senior na siya at magkakaroon na ng senior citizen card.
Sey ni Gary V, “Thanks to all of those who’ve greeted me and have reminded me how old I am today. Haaaay, and as I enter this new era as a senior, let’s take it back to where it all began 40 years ago and do this ONE MORE TIME.”
Sabay ng kanyang 60th birthday ang announcement ni Gary sa kanyang Instagram (IG), nakasulat ang “1 Energy II Hope III Revival IV Legacy V One More Time 12 20/22 2024.”
Sa December 20 and 22 na ang Gary V Pure Energy 40th anniversary concert ni Gary V sa Smart Araneta Coliseum, the venue of his first major concert. Naalala namin, bumili kami ng ticket to watch his concert dahil that time, hindi pa namin alam kung saan makakahingi ng complimentary ticket. Ngayon, alam na namin kung kanino manghihingi. Hindi ba Chuck Gomez?
Maalalang nagkaroon na ng Pure Energy concert last April at may repeat nong May at ang three concerts na ‘yun ay sa SM MOA Arena. Marami ang nag-request na dalhin ni Gary sa Big Dome ang concert at heto na ‘yun!
Wala pang details sa Pure Energy concert sa Big Dome, but for sure, ang anak nina Gary at Angeli Valenciano na si Paolo Valenciano ang magdidirehe nito.
Binisita Paulo Avelino ang anak nila ni LJ Reyes na si Aki habang nasa Amerika siya para sa ASAP. Sa New York (NY) naka-based sina LJ and her family, kaya nag-travel pa si Paulo from California to NY to see his son.
Sa photo post ni Paulo, pareho silang nakatalikod ni Aki na naglalakad, nasa tulay sila sa gitna ng dagat at may mga yate sa lugar. Walang caption ang post ni Paulo, red heart emoticon lang ang kanyang inilagay.
Sabi ng netizen na nakakaalam ng place na pinuntahan nina Paulo at Aki, sa Northport Village Docks sa New York daw ito. Isang pinagtatalunan ng fans ay kung si Kim Chiu ba ang kumuha ng photo nina Paulo at Aki o kaibigan ni Paulo? Kung si Kim ang kumuha ng picture, ibig daw sabihin, na-meet na ni Kim ang anak ni Paulo. Kinilig pala ang mga fans just thinking na nakilala na ni Kim si Aki.





Comments