top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dragons, dinurog ang Dyip; Knights, binawian ang Chiefs

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2022
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | October 22, 2022



Muling nanalasa ang bangis ng Bay Area Dragons ng sunod na biktimahin ang walang kalaban-labang Terrafirma Dyip na patuloy sa pagdiskarga sa pamamagitan ng 54-puntos na pagpuksa sa 130-76 kahapon sa 2022 PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.


Hinalimaw ni dating NBA player Andrew Nicholson ang panibagong double-double sa 37 puntos at 10 rebounds upang iangat ang Dragons sa 6-1 kartada, habang inilaglag ang Terrafirma sa kanilang ika-22nd sunod na pagkabigo sa 0-6 marka.


Naitabla rin ng Bay Area ang pinakamalaking kalamangan sa kasaysayan ng liga, habang sinundan ito ng pananalasa ng Dragons sa San Miguel Beer sa 113-87 noong nagdaang Linggo. Ipinagpahinga na si Nicholson pagpasok ng 4th period upang magbigay ng tsansa sa ibang kakampi na bumanat ng puntos, habang makakapagpahinga ang koponan sa dalawang linggong pahinga.


Samantala, matikas na pagbawi ang ipinalasap ng defending back-to-back champion Colegio de San Juan de Letran Knights ng padapain ang Arellano University Chiefs sa bisa ng 65-53, kahapon sa 98th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Nagpamalas ng matinding depensa at determinasyon si forward King Caralipio upang mabawian ang Arellano na pumutol sa tatlong taong 14-game winning streak sapol nung 2019 noong Setyembre 18 sa first round, para kumamada ng double-double performance sa 13 puntos, 13 rebounds at tig-isang assist at steal.


Thankful ako na ibinigay sa amin itong laro na ito. Kung mabigyan ng chance ibigay ko ang best ko para makatulong sa kanila, lalo na sa depensa at rebounding,” pahayag ni Caralipio. “Nagpractice ako ng shooting ko (sa three-points),” dagdag ni Caralipio na ginagaya si dating Letran player Rey Nambatac.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page