DRA. BELO, NAG-IMPORT PA NG DESIGNER SA USA PARA MAG-DÉCOR SA X'MAS TREE
- BULGAR
- Dec 2, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 2, 2022

Iba rin naman talaga ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo.
Imagine, kumuha pa siya ng designer mula sa USA para lang mag-decorate ng kanyang bonggang Christmas tree?!
Kinuha niya ang serbisyo ng Glitterville Studios, ang kumpanyang nakabase sa Amerika.
Ipinost ng celeb doctor ang video ng lovely and truly beautiful Christmas tree sa kanyang bahay.
Magmula sa bare na mga puno hanggang sa madekorasyunan ay maa-amaze ka talaga nang matapos ang napakagandang Christmas tree na tinawag ni Dra. Belo na "Queen Bee Belo" tree.
"Been waiting sooo long to share our tree with you! I’m so glad @glitterville was able to do our Christmas tree again this year; I’m so happy with how it turned out. Thank you for our Queen Bee Belo tree!" ang caption ng celebrity doctor sa kanyang IG post.





Comments