top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dra. Belo at Hayden, shocked sa nasaksihan… BILLY, PINAGKAGULUHAN SA FRANCE

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 4, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 4, 2022



Bongga pala ang pagtanggap kay Billy Crawford sa Paris, France dahil dati na siyang kilala roon. At ngayong isa si Billy sa mga contestants sa TV program na Dance With The Stars, lalo siyang hinangaan ng mga kabataang Pranses!


Mismong sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ang nakasaksi kung gaano kalakas ang impact ni Billy sa France dahil nanood sila ng taping ng Dance With The Stars.


May special surprise performance naman si Coleen Garcia bago ang number ni Billy at ng kanyang dance partner na si Fauve Hautot. Pinalakpakan sila ng audience.


At maging nu'ng namamasyal sina Billy, Dra. Belo at Hayden, nakita ng mag-asawa kung paano pinagkaguluhan si Billy ng kanyang mga tagahanga. Marami ang nagpa-picture-nagpa-selfie kay Billy Crawford.


Mahusay magsalita ng French si Billy dahil matagal siyang nanirahan sa France. Wala namang naiwang commitments si Billy sa 'Pinas (maliban sa Tropang LOL). Pre-taped naman ang The Wall Phils. at tinapos niya ito bago siya lumipad patungong Paris, France.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page