top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

DPWH ang nag-i-imbestiga sa korupsiyon sa sarili nilang ahensiya, ngek!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 8, 2020
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 08, 2020



Bakit daw hindi nagpakita si P-Digong sa kasagsagan ng bagyong Rolly noong Nobyembre 1?

Natakot sa multo?

◘◘◘

NANG lumitaw si P-Digong noong Nobyembre 2, ano ang kanyang isinigaw?

Maraming “ghost projects” sa DPWH!

◘◘◘

ISINUSPINDE raw ng DPWH ang 24 contractors.

Contractor-for-hire tulad sa broker-4-hire sa Customs.

He-he-he!

◘◘◘

DPWH ang mismong nag-i-imbestiga sa korupsiyon sa sarili nilang ahensiya.

Isang kabaliwan!

◘◘◘

HINDI raw mukhang pera ang Philippine Red Cross.

Baka mukhang “tseke”?!

◘◘◘

ITINALAGA si Gen. Carlito Galvez, Jr. bilang “vaccine czar”.

Hindi nakikita ang kanyang mga kalaban!

◘◘◘

BINIBIGYAN ng San Miguel Corporation (SMC) na libreng skills training ang mga Bulakenyos.

Preparasyon ito sa pagkawala ng kanilang trabaho kapag nagsimula nang maging ilog ang Mc Arthur Highway, old Marcelo H. del Pilar hi-way at ang mismong NLEX na bumabagtas sa Bulacan!

◘◘◘

DAPAT bigyang-diin ng libreng skills training ng SMC ang mga taga-Pampanga partikular ang mga taga-Masantol at iba pang bayan sa dalampasigan ng Manila Bay.

Lulubog ang mga bayang ito tulad sa Malabon, Navotas at Obando—dahil sa “pagtatambak” sa ekta-ektaryang dating mga palaisdaan sa Bulacan, Bulacan, Malolos at Paombong!

◘◘◘

HINDI pumapalag ang matataas na opisyal ng Bulacan laban sa pagtatambak kaugnay ng itatayong airport dahil sa iisang “tradisyunal” na dahilan.

Korupsiyon at multi-milyong tongpats!

◘◘◘

WALANG nakakapalag kontra sa SMC dahil ito ay dambuhalang oligarko at kroni.

Pasensiya na ang mga timawa—ganyan talaga ang buhay ng mga apo ni Gat. Francisco Balagtas!

◘◘◘

ANG makatang si Balagtas ay hindi rin nagsulong ng lantarang paglaban sa mga Espanyol sa kanyang panahon.

Pero, gumawa siya ng epiko upang mairekord at magtanim ng kanyang mensahe para sa kabataang Kayumanggi!

◘◘◘

NANG lumaon, nabasa ng mga makabayang Kayumanggi ang Florante at Laura—partikular sina Rizal, Bonifacio at Plaridel—ang lihim na mensaheng nito.

Hindi na nasilayan ni Gat. Balagtas ang positibong resulta ng kanyang mga talinghaga—pero nakamit ng kanyang bayan ang wagas na kalayaan!

◘◘◘

NGAYON “modernong prayle” ang magpapalubog sa kanyang bayang tinubuan kakutsaba ang mga may hawak ng kapangyarihan.

Walang nang lakas na lumaban, walang naglalakas-loob na pumalag.

Paano na ang bansang “Albania”?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page