top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Double Carry Over, target; Pride Of Laguna, patok

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2021
  • 2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | December 04, 2021


Tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa lineup ng karera ngayong araw na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Pitong balanseng races ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI), inaasahang aabangan ng mga karerista ang double carry over sa Pick 6 na magsisimula sa race 2.


May P375,655.23 ang paglalabanan sa carry over, 14 na kabayo ang pagpipiliian ng mga karerista para maka-isang puntos.


Posibleng maging liyamado sa 2021 PHILRACOM Rating Based Handicapping System, (simula ng CO) sina Misaka at Chef Cat subalit ayon sa mga karerista ay tatlo hanggang apat ang kanilang pipiliin upang malaki ang tsansa na maka-isang puntos agad.


"Magulong karera yan, kahit sino malaki ang tsansang manalo kaya mga apat ang pili ko diyan sa Pick 6 para hindi masyadong kakaba-kaba," saad ni Pablito Lucero, karerista.


Maliban sa dalawang kabayong nabanggit, ang ibang kalahok sa distansyang 1,400 meter race ay sina Brent Boy, Andrew's Bet, Laguna De Bay, Markees Angel, Benjie's Prayer, Think Positive, Surplus Boy, Irene's Dream, Excellent Choice, Divine Success, Antonio Delamugis at Maki Boy.


Puntirya ng mga liyamadista na i-single si Pride Of Laguna sa Condition Race (17) na pakakawalan sa pangatlong karera.


Rerendahan ni CP Henson, makikilatis si Pride Of Laguna kina Eugene Onegin, My Jopay, Sari Baby at Abetski sa event na may distansyang 1,400 meter race.


Ayon sa ibang mga karerista, posibleng maging mahigpit na karibal ni Pride Of Laguna sina Sari Baby at Abetski. "Single na ako kay Pride Of Laguna para makatipid sa taya, tingan ko lamang na lamang siya diyan," sabi ni Carlito Legaspi, veteran karerista.


Nakalaan ang added prize na P30,000 sa mananalong kabayo, inisponsoran ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page