top of page
Pokwang.jpg

Dondon Hontiveros, Ambassador ng Pilipinas VisMin Super Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 11, 2021





Itinalaga ang alamat ng Basketball at Konsehal Dondon “The Cebuano Hotshot” Hontiveros bilang Ambassador ng pinakabagong ligang propesyonal sa bansa, ang Pilipinas VisMin Super Cup. Noong Lunes ng gabi ay matagumpay na nagpulong online ang pamunuan ng liga at sabay malugod na ipinakilala ang unang pitong koponan na magtatagisan simula ngayong Abril 9 sa mga bubble sa Cebu at Zamboanga.


Ayon kay Chief Operations Officer Rocky Chan, ang listahan ay pinangungunahan ng dalawang koponan na lumahok noon sa mga katulad na liga, ang Zamboanga Valientes ni Rolando “Junnie” Navarro at Pagadian Explorers ni Mayor Samuel Co at negosyanteng si Rene “Dodong” Pamaran. Sasamahan sila ng mga koponan na kumakatawan sa mga munisipyo sa Zamboanga del Norte na Sindangan ni Sonny Diaz at President Manuel A. Roxas sa Zamboanga del Norte ni Jan Hendrick Vallcer.


Tatlo ang mula sa Visayas na dala ang pangalan ng mga lungsod ng KCS-Mandaue ni Ricky Verdida, MJAS-Talisay at Lapu-Lapu. Dagdag ni Chan, pauna pa lang ang pito at ilalahad nila ang iba pang oras na mailagda ang kanilang mga kontrata at sisikapin nilang limatahin muna sa 12 ang mga koponan.


Bilang Ambassador, tutulong si Hontiveros na ilapit at ipakilala ang liga sa mga tagahanga. Nais ng mga papasok na manlalaro ng Super Cup na tularan si Hontiveros na natuklasan mula sa varsity ng University of Cebu upang maging isang superstar ng MBA, PBA at Gilas Pilipinas.


Itinatatag ang Super Cup upang bigyan ng pagkakataon hindi lang ang mga atleta kundi pati na rin ang mga ibang may kinalaman sa laro na magkaroon ng kabuhayan. Kinikilala ng liga ang kabutihan na maiidulot nila sa pagbuhay muli ng lokal na

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page