top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Doncic, Kuzma, Sexton at Lee, malakas sa NBA games

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 29, 2020
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 29, 2020





Walang awang pinarusahan ng bisitang Dallas Mavericks ang Los Angeles Clippers, 124-73, sa pagbabalik ng aksyon sa 2020-2021 National Basketball Association (NBA) sa Staples Center Lunes ng umaga. Nanguna ang mga guwardiya ng Mavs na sina Luka Doncic and Josh Richardson sa pagbigay sa Clippers ng kanilang pinakamalaking talo sa kasaysayan.


Hindi naglaro si Kawhi Leonard sa Clippers dahil sa malaking sugat sa bibig kaya bumulusok agad ang Dallas at lumobo hanggang 57 ang lamang sa huling anim na minuto, 120-63. Muntik na maka-triple double si Doncic sa kanyang 24 puntos, 9 na rebound at 8 assist sa 26 minuto habang may 21 puntos buhat sa apat na tres.


Nilinis agad ang court at hindi nag-aksaya ng panahon ang defending champion Los Angeles Lakers na durugin ang bisitang Minnesota Timberwolves, 127-91. Hindi naglaro si Anthony Davis subalit humalili si Kyle Kuzma sa 20 puntos sa first half pa lamang kung saan lumamang ang Lakers, 67-45, at tinapos ang laban ni LeBron James na may 11 ng kanyang 18 puntos sa second half.


Sumikat muli ang Phoenix Suns sa kanilang pagpigil sa Sacramento Kings, 116-100. Uminit ang shooting nina Mikal Bridges, Cameron Johnson at Devin Booker sa kanilang pinagsamang 63 puntos.


Samantala, umakyat ang Cleveland Cavaliers, Indiana Pacers at Orlando Magic bilang mga unang koponan sa 3-0. Tinambakan ng Cavs ang dating walang talong Philadelphia 76ers, 118-94, sa likod ng 24 puntos at 14 rebound ni Andre Drummond at 22 puntos ni Collin Sexton.


Ipinasok ni Domantas Sabonis ang nagpapanalong buslo na may 8 segundo sa orasan para sa 108-107 pagwagi ng Pacers sa Boston Celtics. Kumuha ng lakas ang Indiana kay Malcolm Brogdon na may 25 puntos habang may 19 puntos at 10 rebound si Sabonis.


Nilusutan ng Magic ang Washington Wizards, 120-113, kung saan gumawa ang Magic ng 10 puntos sa huling minuto at ipako ang Wizards sa 113. Parehong nagtapos na may tig-26 puntos sina Markelle Fultz at reserbang si Terrence Ross.


Nabigo ang Brooklyn Nets at San Antonio Spurs na samahan ang Magic, Pacers at Cavs sa maagang liderato at nalasap ang mga unang talo sa torneo. Nagwagi ang Charlotte Hornets sa Nets, 106-104, at tagumpay ang New Orleans Pelicans sa Spurs, 98-95.


Sinigurado ni Damion Lee na hindi babagsak ang kanyang Golden State Warriors sa 0-3 at ipinasok ang nagpapanalong tres na may 2 segundo sa laro para sa 129-128 tagumpay sa Chicago Bulls. Nagpasabog ng 36 puntos si Stephen Curry at sinundan siya ni Andrew Wiggins na may 19 puntos at 9 na rebound.


Naitala ng New York Knicks ang unang panalo matapos padapain ang Milwaukee Bucks, 130-110. Gumawa si Julius Randle ng double-double na 29 puntos, 14 rebound at 7 assists at tinulungan siya ni Elfrid Payton na may 27 puntos at 7 assist.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page