top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Doncic, Davis, Brunson, at Grant, maiinit sa laro

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 17, 2022



Pinatunayan muli ni Luka Doncic na nararapat na tawagin siyang “Luka Magic” at malaking papel ang ginampanan niya sa 103-101 panalo ng Dallas Maverick sa bisitang Los Angeles Clippers sa NBA kahapon mula sa American Airlines Center. Ang Sacramento Kings na rin ang pinakamainit na koponan sa Western Conference matapos durugin ang bisitang Brooklyn Nets, 153-121, para sa kanilang ika-apat na sunod na tagumpay.


Dikitan ang laro at biglang bumomba ng three-points si Doncic na may 27 segundong nalalabi upang lumayo ang Mavs, 102-98. Sinagot ito agad ng shoot ni Paul George para sa huling hirit ng Clippers at nagpalitan ng free throw sina Reggie Bullock ng Dallas at Nicolas Batum ng LA para sa huling talaan.


Todo-buwenas ang shooting ng Kings na pinangunahan ni Terence Davis na may 31 puntos sa 26 minuto lang. Anim na iba pang kakampi ang nag-ambag ng 10 o higit na puntos kung saan pumasok ang kabuuang 56 ng 93 tira ng Sacramento.



Nagtapos si Doncic na may 35 puntos at 11 rebound habang 21 puntong si Dorian Finney-Smith na lahat ay galing sa pitong tres. May 23 puntos si George at 22 si Batum bilang reserba.


Itinapal ng New York Knicks ang pangatlong sunod na talo sa Utah Jazz, 118-111, sa likod ng 25 puntos ni Jalen Brunson. Nasayang ang 27 puntos at 11 rebound ni Kelly Olynyk at sinundan siya ni kabayan Jordan Clarkson na may 15 puntos.


Samantala sa huling laro ng araw, uminit para sa 29 puntos si Jerami Grant at nagwagi ang Portland Trail Blazers sa San Antonio Spurs, 117-110, upang makamit ang solong liderato ng West sa kartadang 10-4. Pumuntos ng 30 si CJ McCollum sa 113-102 panalo ng New Orleans Pelicans.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page