top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Doncic at Wagner, bumanat sa panalo ng Mavs at Magic

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 1, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | February 1, 2023




Parang walang nangyari at sumiklab si Luka Doncic sa 111-105 tagumpay ng Dallas Mavericks sa kulelat na Detroit Pistons sa pagpapatuloy ng NBA kahapon sa American Airlines Center. Nagpabaya naman ang Philadelphia 76ers at nakamit ng bisitang Orlando Magic ang 119-109 panalo.


Lumiban si Doncic noong nakaraang laro kontra Utah Jazz upang ipahinga ang kanyang pilay na bukong-bukong at bumawi agad sa kanyang 24 ng 30 puntos ng Mavs sa first quarter. Humina bigla ang shooting ni Doncic at idinikta ng Pistons ang takbo ng laban pero nag-reserba ng lakas sina Doncic at Spencer Dinwiddie para sa 4th quarter upang baligtarin ang resulta.


Nagtapos si Doncic na may 53 puntos matapos hindi pumuntos sa Phoenix Suns kung saan siya napilay. Apat na ang kanyang laro ngayong taon na may 50 o higit na puntos.


Sinimulan ng 76ers ang aksiyon bilang pinakamainit na koponan sa NBA na pitong sunod ang panalo subalit hindi natinag ang Magic kahit lumamang sa kalagitnaan ng 2nd quarter ang Philadelphia, 48-27. Kinumpleto ni Moritz Wagner ang dalawang magkasunod na three-point play at dumagdag ng tres si Cole Anthony upang maagaw ng Orlando ang lamang at lumayo, 110-101, at kumapit sa nalalabing 5 minuto.


Namuno sa Magic si numero unong rookie Paolo Banchero na may 29 puntos.


Sumunod ang magkapatid na Wagner na sina Kuya Moritz na may 22 at si Franz na may 19 puntos.


Samantala, pumukol ng walong three-points si Stephen Curry upang buhatin ang World Champion Golden State Warriors laban sa Oklahoma City Thunder, 128-120. Nagtala ng 38 puntos si Curry habang 28 mula sa anim na tres si Klay Thompson. Muntikan na ang Brooklyn Nets at nagising sa tamang panahon upang pigilin ang Los Angeles Lakers, 121-104.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page