top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Don Lucas at Sky Story mag-uunahan sa Turf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 23, 2023
  • 2 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 23, 2023


Magtatagisan ng bilis ang dalawang tigasing kabayo na sina Don Lucas at Sky Story sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na gaganapin sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Bukod kina Don Lucas at Sky Story, ang ibang kalahok sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Oktubre Katorse, Boysofmedows, Port Kennedy at Nicole's Favorite.


Sasakyan ni Jerico Serrano si Don Lucas habang si Conrad Henson ang rerenda kay Sky Story sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nakalaan ang P25,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kung saan ay hahamigin ng winning horse owner ang karagdagang P10,000 premyo.


Ayon sa komento ng ibang karerista, posibleng magbigay ng magandang laban kina Don Lucas at Sky Story ay si Port Kennedy na gagabayan ni Rodeo Fernandez.


"Mahusay din na kabayo si Port Kennedy kaya malaki ang tsansa na manalong dehado," saad ni Felipe Villahermosa, veteran karerista. "Mas mainam isama na rin sa 1st PICK 5."


Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo.


Magsisimula ang unang race ng 3 p.m. kaya may oras pa ang mga karerista na pag-aralan ang mga tiyempo ng kabayo na kanilang tatayaan.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Don Lucas (5), Sky Story (6)

Race 2 - Signature Move (4), Ring A Bell (7)

Race 3 - Jeane Genie (2), Love Radio (5)

Race 4 - Melania (4), Batang Kankaloo (2)

Race 5 - Rockaway (7), You Never Know (2), Greater Good (3), Determinado (8)

Race 6 - Achi Holy (4), HeadStrong (7) Fredie Wong (5)

Race 7 - Che Che (7), Columbus (5), Galloping Ghost (8)

Race 8 - Fast Sailing/Major Ridge (8/8A), Since When (5), Sweet Spot (7), Colony Bell (4)





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page