top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Don Julio, sumikwat ng korona sa KDJDMC

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 4, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |October 4, 2022


Inilampaso ni Don Julio ang mga nakatunggali matapos sikwatin ang korona sa 2022 PHILRACOM Klub Don Juan De Manila Cup na inilarga sa Metro Turf, Malvar, Tanauan City, Batangas, noong Linggo ng hapon.


Pumuwesto sa pang-apat sa largahan ang anak nina Adios Reality at Guatemala na si Don Julio na sinakyan ni Mark Angelo Alvarez habang nangingibabaw ang bilis ni Speed Fantasy.


Pagsapit ng far turn ay lumapit ng bahagya ang pambato ni horse owner FR Sevilla Jr., Don Julio, nasa pangatlong puwesto na ito kaya naman pagsungaw ng rektahan ay naagaw na ng winning horse ang unahan.


Patuloy pa rin ang pakikibuno ni Speed Fantasy sa unahan, hindi ito basta bumitaw sa labanan pero nanatili ang tikas ni Don Julio at nanalo ito ng may dalawang kabayo ang agwat.


Inilista ni Don Julio ang tiyempong 1:51 minuto sa 1,800 meter race sapat upang hamigin ang premyong P600,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nasungkit ni Speed Fantasy ang second place prize na P225,000 habang tumersero si Marilag na kumubra ng P125,000. Nag-uwi rin ng P50,000 ang breeder ng winning horse habang tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.


Samantala, nasiyahan ng todo ang mga karerista sa 13 pinakarera ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), kaya tiyak na nag-aabang ulit sila sa susunod na stakes races na ilalarga sa mga karerahan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page