top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Don Julio, masusubok sa 3-YO Locally Bred

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2022
  • 1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |October 26, 2022


Makikilatis ang husay ni Don Julio sa pagsalang nito sa 2022 PHILRACOM 3-Year-Old Locally Bred Grand Derby na ilalarga sa susunod na buwan.


Hindi pa nabanggit ang lugar na pagdarausan ng malaking karera pero paniguradong naghahanda ng todo si Don Julio na nakatokang sakyan ni class A rider Mark Angelo lvarez.


Posibleng maging mahigpit na karibal ni Don Julio sina Basheirrou at Gomezian na kilalang mahuhusay na batang kabayo.


Kakasahan ni Don Julio ang dalawang nabanggit na nominadong kabayo at ibang nagsaad ng paglahok na sina Charm Campaign, Jungkook at Radio Bell.


May distansiyang 1,600 meter race, nakalaan ang P3-M garantisadong premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1.8-M premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


"Sigurado magandang laban 'yan kasi malaki ang premyo at magagaling na kabayo ang mga kasali," saad ni Dennis Pansol, veteran karerista.


Ibubulsa ng pangalawang kabayong dadating sa finish line ang P675,000 habang tig-P375,000 at P150,000 ang third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page