top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Domsat Seven hindi pasisindak sa PCSO 3-YO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 27, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 27, 2023


Matitikas na kabayo ang mga kasali sa 2023 PHILRACOM-PCSO 3-Year-Old Locally Bred Grand derby na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Oktubre 8 pero hindi masisindak ang kalahok na si Domsat Seven.


Maging ang hineteng si former Philippine Sportswriters Association (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ay palaban at naniniwalang malaki ang tsansa ng sasakyan niyang si Domsat Seven. Inaasahang mapapalaban si Domsat Seven kina Jaguar at magkakamping Open Billing at Prime Billing sa distansiyang 1,800 meter race.


Maliban sa apat na nabanggit na kabayo, ang ibang nagsaad ng pagsali ay sina Earli Boating, Glamour Girle, Istulen Ola, Secretary, Sonic Clay, La Trouppei at Winner Parade.


Nakalaan ang tumataginting na P3-M guaranteed prize ang ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line, tig-P1.5M ang inisponsor ng PHILRACOM at PCSO.


Ibubulsa ng horse owner ng mananalong kabayo ang P1.8M na premyo habang hahamigin ng second placer ang P600,000, mapupunta ang P300,000 sa third habang tig-P150,000, P90,000 at P60,000 ang fourth hanggang sixth.


Komento ng mga karerista, tiyak na puspusan ang paghahanda ng mga trainer ang hinete ang nasabing karera dahil malaki ang premyo.


Sisikwatin naman ng breeder ng winning horse ang P150,000 habang tig-P90,000 at P60,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission at ng PCSO.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page