top of page
Search
  • BULGAR

Dominicana, Germany at Montenegro umangat pa

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 28, 2023



Nagulantang ang 2023 FIBA World Cup matapos talunin ng Dominican Republic ang Italya, 87-82, sa ikatlong araw ng torneo kahapon, Linggo sa Araneta Coliseum. Umagaw din ng pansin ang 85-82 pagtakas ng Alemanya sa Australia sa Okinawa Arena sa Japan.


Nag-iba ang takbo ng laro sa pagpalabas kay Coach Gianmarco Pozzeco na may dalawang minutong nalalabi sa second quarter matapos niyang hubarin at itapon sa sahig ang kanyang Amerikana habang nagrereklamo sa tawag. Lamang ang Italya, 37-31, subalit unti-unting humabol ang mga Dominicana sa mainit na laro nina Karl-Anthony Towns at Victor Liz.


Naka-shoot si KAT upang ibalik ang lamang sa Dominicana at sinundan ng tres ni Liz sa third quarter at hindi na nila binitawan ito, 46-41. Saglit nagbanta ang Italya, 82-85, sa dalawang free throw ni Marco Spissu ngunit sinigurado ni Lester Quinones ang resulta sa kanyang mga free throw sa huling 17 segundo.


Parehong nagtala ng tig-24 puntos sina KAT at Feliz at humakot din si KAT ng 11 rebound para umakyat sa 2-0 panalo-talo. Sa pagkabigo ng Italya, maaaring maging knockout para sa playoffs ang laro nila kontra Gilas Pilipinas ngayong Martes sa parehong palaruan.


Pinalamang ni Dennis Schroder ang mga Aleman sa kanyang saksak na may 46 segundo sa orasan, 83-81. Mula roon ay kumapit ang Alemanya para maging 2-0 sa Grupo E.


Ang shoot na Schroder ang nararapat na tuldok sa kanyang 30 puntos at walong assist.


Tinalo ang Australia, 85-82.


Sa kasabay na laro sa Mall of Asia Arena, umangat din ang Montenegro sa 2-0 sa Grupo B sa bisa ng 89-74 pagdurog sa walang panalong Ehipto. Bumida muli sa Montenegro si Nikola Vucevic na may 16 puntos habang nag-ambag ng 15 si Nikola Ivanovic.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page