Dominic, nag-post ng test result sa IG… BEA, PINAGPIYESTAHANG BUNTIS
ni Nitz Miralles - @Bida | January 22, 2022

Nagdulot ng kalituhan sa ibang fans ang ipinost ni Dominic Roque sa kanyang IG story na result ng COVID test. May nag-akalang pregnancy result ‘yun, kaya ang tanong ng mga clueless ay buntis ba si si Bea Alonzo?
Excited pa naman ang nagtanong kung pregnancy test result ang ipinost ni Dominic, pero napalitan ng panghihinayang ang excitement.
Sobrang excited na ang mga fans na magka-baby sina Bea at Dominic at may nag-suggest nga na dahil kaya na nilang magkaroon ng pamilya, bakit hindi na lang sila magpakasal?
Papayag naman daw siguro ang Viva Films, APT Films, at GMA Pictures na ituloy pa rin ang movie nina Bea at Alden Richards kahit may asawa na ang aktres. Saka, papayag din siguro ang GMA Network na gawin pa rin ni Bea ang mga shows na dapat niyang gawin sa kanyang kontrata sa Kapuso Network kahit may asawa na siya.
Kasunod na tanong ng mga fans, kailan ba sisimulan nina Bea at Alden ang movie nilang Special Memory at kailan gagawa ng teleserye sa GMA-7 si Bea? Ang tagal na nga namang hindi nila napapanood ang aktres.





Comments