Dominic, knows mo ‘yan? SUE, UMAMING MATAGAL NANG CRUSH SI JM, NAKATIKIMAN PA
- BULGAR

- Jun 4, 2025
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 4, 20255
Photo: Sue at JM via Bulgar
Hindi first time nagsama sa isang project sina Sue Ramirez at JM De Guzman dahil gumanap na silang magkapatid sa Mula sa Puso TV series nu’ng taong 2010 pa, pero first time nilang magiging love interest ang isa’t isa sa Passion5’s newest offering na Lasting Moments na mula sa direksiyon ni Fifth Solomon.
Natatawang pag-amin ni Sue sa ginanap na mediacon bago ang premiere night ng movie last Monday sa SM Megamall, matagal na niyang crush si JM na “Kuya” pa nga raw ang tawag niya noon, pero ngayon, mukhang kailangan na raw niyang tumigil sa pagtawag dito ng “Kuya” dahil ang dami nilang intimate scenes sa Lasting Moments.
Pareho namang nag-enjoy ang dalawa while filming LM, dahil sabi nga ni Sue, “Ito na ‘yung pinakamabigat na drama na ginawa ko,” na mas naka-challenge sa galing niyang umarte.
Papuri naman ni JM patungkol kay Sue, “Sobrang masarap katrabaho, nagpapasahan lang kami ng energy. ‘Yung lalim niya sa pag-arte (nakakabilib). Hindi siya maarte.”
Ang daming pinaiyak nina Sue at JM sa kanilang Lasting Moments at sana nga, maging word of mouth ito sa unang araw pa lang ng showing on July 30, dahil ayon nga kay Direk Fifth, masarap gumawa ng pelikula, kaya lang, kulang sa suporta ng gobyerno at ng mga manonood na rin, kaya ‘yung iba, ilang araw lang ipinapalabas sa sinehan kahit mga de-kalidad naman kung tutuusin.
Anyway, sa chikahan ng press kay Sue, inamin nitong masayang-masaya siya sa piling ng boyfriend na si Dominic Roque dahil napakabait at napaka-sweet daw nito.
Natanong naman siya about her ex-BF na si Cong. Javi Benitez (na controversial ngayon dahil sa legal battle ng mga magulang nito). Ani Sue, wala naman siyang bad blood sa lahat ng ex niya at binati nga raw siya ni Javi nu’ng last b-day niya.
Masaya na raw siya para rito dahil naging bahagi rin naman ito ng journey niya at wala siyang regrets kahit nauwi man sila sa hiwalayan dahil marami rin siyang natutunan sa naging relasyon nila na naka-contribute kung sino siya ngayon.
Nabanggit din niyang napag-usapan nila ni Dominic ang kani-kanyang exes nila — na siyempre pa, kasama ang pangalan nina Javi Benitez at Bea Alonzo.
Ani Sue, normal lang naman ‘yun dahil kailangan nilang malaman ang trauma na pinagdaanan ng isa’t isa mula sa kanilang naging relasyon para mas maintindihan nila ang pinagmumulan at hugot ng isa’t isa at matanggap nila ‘yun para mas maging matibay ang kanilang relasyon at mas makilala ang isa’t isa.
Kaya naman, obyus na super happy at ang gaan-gaan kausap ni Sue habang nagpo-promote ng pelikula nila ni JM de Guzman na Lasting Moments na sana nga raw ay panoorin ng mga moviegoers sa July 30 at ikalat pa para mas dumami ang mga sinehang pagpapalabasan ng pelikula.
Direk Darryl, kahit not guilty daw sa cyberlibel…
VIC: TULOY ANG LABAN, KORTE NA ANG BAHALA SA KANYA
NAG-PLEAD pala ng “not guilty” ang controversial director na si Darryl Yap sa arraignment na ginanap kahapon, June 3 sa Muntinlupa Regional Trial Court kaugnay ng two counts ng cyberlibel na isinampa laban sa kanya ni Bossing Vic Sotto.
Ito’y kaugnay ng controversial teaser ng pelikula ni Yap na The Rapists of Pepsi Paloma na ipinalabas sa socmed kung saan tinawag ngang “rapist” ang isa sa Eat…Bulaga! main hosts.
Sa August 19 daw nakatakda ang first hearing ng kaso, pero magkakaroon muna ng mediation para pagharapin sina Bossing Vic at Direk Darryl at subukang pag-ayusin.
Pero ayon sa abogado ni Bossing Vic na si Atty. Enrique dela Cruz, wala pang bagong pahayag ang TV host kung gusto nitong makipag-ayos kay Direk Darryl.
Basta ang huling bilin daw kasi sa kanya ni Bossing Vic, "Bago mag-umpisa ‘yung trial, 'Lalaban tayo', ayun ang instruction niya sa amin.
"The last time na nagkausap kami, ang sabi niya, 'Proceed tayo to trial. Let the courts decide.'"
Sa tinagal-tagal ni Bossing Vic sa showbiz, parang ngayon lang namin ito narinig na nagdemanda, at kung tama ang pakiramdam namin, mukhang seryoso siya na papanagutin sa hukuman si Direk Yap.
Pero siyempre, puwede pa ring mabago ‘yan depende sa magiging paghaharap nila sa mediation kaya abang-abang na lang tayo.
HINDI naman daw actually pinalitan si Piolo Pascual bilang first endorser ng My Daily Collagen kundi gusto lang ng kumpanya ni Ms. Anna Perez na magdagdag ng endorser para mas lumawak pa ang market ng kanilang health products.
Kaya naman, nakipag-collaborate sila sa Bb. Pilipinas at kinuhang ambassadress ang 36 candidates ng Bb. Pilipinas 2025 para mas maipakita sa lahat ang magandang epekto ng My Daily Collagen sa katawan at skin ng magagandang kandidata.
Ayon kay Ms. Anna Perez, president ng My Daily Collagen, “We’re very happy with this partnership. Second year na namin ito. Hindi naging mahirap mag-yes sa partnership.”
Dagdag pa niya, “Tinanong namin kung bakit kami ang napili, sabi nila, naniniwala sila sa kalidad ng Japan-made products.”
Kuwento naman ni Oliver Salas, chief sales officer ng brand, may mga dating Bb. queens na talagang gumagamit na ng My Daily Collagen, at doon nagsimula ang interes ng pageant organizers.
“Bago pa kami i-approach ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., sinuri na nila ang produkto. Sobrang honest sila — marami silang tiningnan na collagen brands, pero naniwala sila dahil sa feedback ng mga dating queens na gumagamit na ng My Daily Collagen,” ani Salas.
Sa ginanap na mediacon ng Bb. Pilipinas 2025 candidates kasabay ng launching nila as endorsers ng My Daily Collagen, humanga ang entertainment press sa very impressive credentials ng mga kandidata dahil merong architect, engineer, teacher at meron pang super genius na 100 plus ang IQ!
Mukhang magiging matindi ang laban ng mga Bb. Pilipinas candidates this year, ha?!
















Comments