top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

DOMINIC, GINAWA NA ANG LAHAT, 'DI PA RIN BINALIKAN NI BEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 6, 2024



Showbiz Photo

Kung pagbabasehan ang mga posts sa social media ni Dominic Roque, tapos na nga ang love story nila ni Bea Alonzo. Kahit marami sa kanilang mga fans ang umaasa at nagdarasal na muli silang magkabalikan, mukhang hindi talaga sila itinadhana sa isa’t isa. 


Nag-effort man si Dominic na maayos ang mga bagay na naging dahilan ng kanilang breakup, hindi ganu’n kadali upang bumalik sa dati ang kanilang pagtitinginan. Kaya nagdesisyon na rin si Dominic na mag-move on na at ‘wag nang ipilit kung hindi pa napapanahon. 


Mabuti at very supportive ang pamilya ng aktor at siya ay dinamayan at binigyan ng moral support sa panahon ng kanyang kalungkutan. 


Ganu’n din ang ginawa ni Judy Ann Santos na parang anak-kapatid ang turing kay Dominic. Best friend kasi ni Juday si Beth Tamayo na tita ni Dominic. Nakita niya na lumaking mabait at marespeto ang aktor, kaya dinamayan nila ni Ryan Agoncillo sa panahon na problemado ito sa kanyang love life. 


Wish nina Juday at Ryan na matagpuan ni Dominic ang tamang pag-ibig at ang ‘the one’ na nakalaan sa kanya. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page