top of page
Search
  • BULGAR

DOLE, imbestigahan ang “no vaccine, no pay” sa ilang kumpanya

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 21, 2021


Nakababahala ang balitang ‘di umano’y may mga kumpanyang nagpapatupad ng “no vaccine, no pay” na polisiya.


Ibinulgar ng Trade Union Congress of the Philippines, kamakailan lamang na iniipit umano ng ilang kumpanya ang sahod ng mga empleyadong hindi pa rin nababakunahan kontra COVID-19.


Ito’y ilegal at malupit na gawain, at nananawagan tayo sa Department of Labor and Employment na imbestigahan nang mabuti ang isyung ito, at parusahan ang mga mapatunayang nagpapatupad ng ganitong modus.


☻☻☻


Alam naman ng lahat na hindi pantay ang distribusyon ng bakuna sa labas ng Metro Manila.


Marami sa mga manggagawa natin ang naninirahan sa tinatawag na “commuter towns,” dahil mas mura ang cost of living sa mga ito kaysa sa Metro Manila.


Kabilang sa mga commuter towns ang Obando, Meycauayan, Marilao, at San Jose del Monte sa Bulacan; Bacoor at Dasmariñas sa Cavite; Montalban, San Mateo, Antipolo, Cainta at Taytay sa Rizal; at San Pedro, Laguna.


Ang mga empleyadong nasa commuter towns ang magdurusa sa “no vaccine, no pay” scheme dahil wala naman silang kontrol sa pagdating ng bakuna sa mga bayang tinitirhan nila.

☻☻☻


Kapag wala nang problema sa supply, saka natin pag-usapan kung kinakailangan ba natin magpatupad ng mandatory vaccination.


Ngunit sa ngayon, wala pa ring batas na nagtatakda nito, kung kaya’t ilegal ang sapilitang pagbabakuna.


Ayusin natin ang access at madaliin ang pagbabakuna sa mga kababayan natin. At kung mayroon mang ayaw magpabakuna, dayalogo, at hindi pamimilit at pagbabanta, ang nararapat.

☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page