top of page

Doktor, pinakamagaling sa buong mundo… KRIS, NAKAKA-RECOVER NA SA SAKIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 24, 2023
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 24, 2023




Sa wakas ay nalaman na kung saan nanggagaling ang sakit ni Kris Aquino at na-trace ito ng Indian doctor na naka-base sa Orange County, Southern California, USA na espesyalista sa allergy at immunology.


Base sa kuwento ni Nanay Cristy Fermin sa Showbiz Now Na vlog niya kasama sina Wendell Alvarez at Romel Chika ay may kaibigan siya na nagkuwentong natukoy na ni Dr. Sudhir Gupta kung saan nanggagaling ang allergies ng nag-iisang Queen of Social Media.


"May nagbalita po sa aming kaibigan na natumbok na kung saan nanggagaling ang allergies ni Kris Aquino dahil nandoon na siya ngayon kay Dr. Gupta.


"Ito ‘yung Indian doctor na talaga pong dinadayo ng lahat ng mayayaman sa buong mundo at ang expertise po niya talaga ay tungkol sa mga allergies, auto-immune disease at mag-ama pala ang dalawang linya na ito. Napakaganda na raw po ng kondisyon ngayon ni Kris Aquino," kuwento ni ‘Nay Cristy.


Sundot naman ni Romel Chika, "Naku, salamat naman at maganda ang balita natin. At paganda nang paganda. At sana, bago matapos ang taon, kapiling na natin si Kris Aquino."


"Oo, kasi si Doc Sudhir Gupta, sikat na sikat po ito. ‘Yung mga nagpuntang pasyente na napagaling niya, siyempre, word of mouth ‘yan, 'di ba? Hindi ba’t ito (sakit ni Kris) ‘yung mahirap ma-trace noon pa?” say pa ni Nanay Cristy.


Ang sinabing may limang autoimmune disease si Kris ay posibleng mapababa na at tuluyan nang mapagaling ni Doc Gupta.




Sobrang iniidolo pala ni Kira Balinger si Liza Soberano na nataong pati ang Hollywood dream ng huli ay siyang gusto rin niyang mangyari pagdating ng tamang panahon.


"Opo, I’ve been always vocal na siya po talaga ang idol ko and I believe she’s very hardworking person. This is just my own opinion, I like how she acts, I like what her eyes looks like when she’s feeling the emotion," say ni Kira.


Sa tanong kung ano'ng project ni Liza ang nagustuhan ni Kira, "Forevermore (2014), diyan ko po talaga na-feel 'yung sobrang genuine niya na taga-Benguet siya picking strawberries and everything. She was so adorable with her role,” nakangiting kuwento ng dalaga.


Na-star struck nga raw si Kira nang magkita sila sa hallway ng A.S.A.P. noong baguhan siya.


"First time, my goodness (sabay hawak sa mukha), sa hallway po ng A.S.A.P.. Sobrang hindi ko po in-expect, hindi ko alam na she was there that day siyempre. A.S.A.P., starting pa lang po ako nu’n, so, nasalubong ko siya sa hallway, na-star struck ako and I cried, I cried and always remember that moment na, my God, na-meet ko siya,” balik-tanaw ni Kira nang una niyang makita si Liza.


Samantala, may mga nagsabing may hawig sina Kira at Liza at napagkumpara pang pareho ang level ng kagandahan nila.


"Wow, thank you, isang karangalan (natawa). I don’t really think too much that I’m pretty. Thank you. If you don’t, thank you, and I’m happy with myself," saad ng aktres.


At ang pinaka-dream role niya ay ang Mars Ravelo series na Dyesebel na ang huling gumanap ay si Anne Curtis sa Kapamilya Network noong 2014.


"Dyesebel (kinilig). I love so much, it doesn’t look like, since hindi ako nakakapunta ng beach masyado. But I really do and dream to be a mermaid one day," nakangiting sambit ni Kira.


Anyway, abangan si Kira kasama si LA Santos sa pelikulang Maple Leaf Dreams na kukunan sa Toronto, Canada at gagampanan nila ang karakter na Molly at Macky na nag-apply ng student visa para makapag-aral at magtrabaho after.


Idinirek ito ni Benedict Mique at produced ng Lonewolf Films in cooperation with JRB Creatives at Star Magic.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page