top of page
Search
  • BULGAR

Doktor na pinagtestingan ng COVID-19 vaccine, patay

ni Thea Janica Teh | October 22, 2020




Namatay ang isang volunteer sa Brazil matapos itong sumali sa clinical trial para sa COVID-19 vaccine na gawa ng Oxford University. Ayon sa mga awtoridad nitong Miyerkules, nakatanggap umano ito ng placebo imbes na test vaccine.


Ito ang kauna-unahang naitalang namatay dahil sa COVID-19 vaccine trial sa buong mundo.


Ayon sa Oxford University, "Following careful assessment of this case in Brazil, there have been no concerns about safety of the clinical trial, and the independent review in addition to the Brazilian regulator have recommended that the trial should continue."


Kinilala ang volunteer na isang 28-anyos na doktor na nagtatrabaho bilang frontliner simula pa noong Marso at namatay umano dahil sa komplikasyon sa COVID-19.


Ayon naman sa Brazilian newspaper na Globo at international news agency na Bloomberg, nakatanggap umano ang doktor ng placebo o ginagamit na pang-test sa mga gamot imbes na test vaccine.


Kamakailan lamang ay inihinto ng Oxford at AstraZeneca ang testing ng vaccine matapos makaranas ang isang volunteer ng hindi maipaliwanag na sakit.


Nagpatuloy lamang ito nang lumabas ang independent review na ang naranasang sakit ng volunteer ay hindi side effect ng vaccine.


Ayon sa D’Or Teaching and Research Institute (IDOR), isang organisasyon na tumutulong sa pagsasagawa ng test sa Brazil, kalahati ng mga volunteers ang nakatanggap ng placebo sa final stage ng clinical trial.


Nasa 8,000 volunteer na ang nabigyan ng vaccine sa Brazil at may kabuuan nang 20,000, worldwide.


Sa clinical trial na ito, kinakailangan na ang mga volunteer ay isang doktor, nurse o mga health sector workers na may regular contact sa virus.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page