top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

DOC WILLIE, DINEDMA LANG ANG BANTANG DEMANDA NI KRIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 19, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | April 19, 2023



Pinalagan ni Kris Aquino ang paggamit sa pangalan niya para iendorso ang produktong tinatawag na "miracle food."


Ang nasabing "miracle food" ay parang hugis mixed nuts at sinasabing nakakapagpagaling daw ng mga sakit tulad ng cancer, diabetes at maging obesity.


At ang nagpo-promote raw na ginamit ni Kris ang "miracle food" ay walang iba kundi ang kilalang "herbal doctor" at tumakbong vice-president ni former Manila Mayor Isko Moreno noong nakaraang eleksiyon na si Dr. Willie Ong.


Nabulgar ang reklamong ito ni Kris nu'ng ang personal attorney na niya na si Enrique dela Cruz ang nag-iwan ng komento sa nasabing Instagram post ng Queen of All Media 3 days ago.


Ito ang komento ni Atty. Dela Cruz na may IG account name na atty_buko, "We will continue to pray for your speedy recovery Ms. Kris! Keep the faith!"


Nag-reply naman si Kris sa kanyang lawyer, "Atty. Ricky, I hope the post about me & this 'miracle' whatever food has been taken down because sobrang hindi totoo. Until now I'm unable to really eat food, it's still milk and more milk for me... NEVER ako na-diagnose as having cancer. And, most of the nuts shown in the pictures, I am ALLERGIC to!"


Sinagot naman si Kris ng lawyer niya at sinabing tinatrabaho na nila ang reklamo ng Queen of All Media.


Sabi pa ng lawyer ni Kris, "We already sent a demand letter for them to take it down/delete the posts. We will keep you posted."


Nakakuha ang INQUIRER.NET ng kopya ng sinasabing demand letter mula sa lawyer ni Kris at makikitang naka-address ang sulat kay Doc Willie, may petsa itong March 21.


Naka-attach din daw sa demand letter ng kampo ni Kris para kay Doc Willie ang screenshot ng Facebook post kung saan binanggit diumano ang name ng Queen of All Media na gumamit ng nasabing "miracle food."


Nakasaad sa demand letter ng mga lawyers ni Kris na kailangang tanggalin within 5 days ang naturang post or else, gagawa na sila ng legal action.


Kung March 21 ang date ng demand letter at nagpalitan ng mga komento si Kris at ang kanyang lawyer sa IG last 3 days ago lang, meaning, lampas na ito sa nakalagay na palugit sa demand letter para kay Doc Willie.


Ibig sabihin din kaya nito ay 'di pinansin ni Doc Willie ang demand letter? Bakit naman kaya?


For sure, naniniwala si Doc Willie na wala siyang kinalaman sa bagay na 'yun at kung susuriin ang Facebook account ng nag-post na ginamit ni Kris ang "miracle product" at nagbanggit sa pangalan nito ay mapapansing hindi ito ang official account or page ng kilalang doktor, sapagka't walang blue check or hindi verified ang naturang Facebook account or page.


A few months back, may ipinost na raw na babala si Doc Willie sa publiko patungkol sa mga kumakalat na fake FB pages na ginagamit ang pangalan niya at ng misis niyang si Doc Liza.


Warning pa ni Doc Willie, "Maraming influencers at celebrities ang nabibiktima nila sa paggawa ng fake FB pages. Ang Official FB page ko ay "Doc Willie Ong" na may Blue Verified check at 17 million followers. God bless po at ingat palagi."


Bukas ang BULGAR kung nais ni Doc Willie na mas bigyang-linaw pa ang isyung ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page