Doc Boy, patok sa Condition Race
- BULGAR
- Jan 5, 2022
- 2 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 05, 2022
Siyam na karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw ng Miyerkules kaya inaasahang masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang at makalimutan ang problemang idinudulot ng bagong pandemya.
Dekalidad na mga kabayo at balanseng karera ang pakakawalan ngayong araw sa San Lazaro Leisure park sa Carmona, Cavite kung saan maliban sa mga bakbakan ng mga tigasing kabayo ay inaabangan din ng mga karerista ang mga carry over sa Super Six at Pentafecta.
Masusubukan ang tikas ni Doc Boy pagsalang nito sa Condition race Merge (10) na ilalarga sa pangalawang karera.
May distansiyang 1,400 meter race, sasakyan ni JA Guce si Doc Boy na inaasahang mapapalaban sa lima pang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Paglabas pa lang ng aparato ay tiyak na nakatutok na kay Doc Boy ang kanyang mga katunggaling sina Goldsmith, Kid Baloloy, The Accountant at magka-kuwadrang Elle Street at Point Of Interest.
Ayon sa komento ng ibang karerista sa social media na tinitiyak nilang magandang laban ang kanilang masisilayan dahil mga tigasin ang mga magtatagisan ng bilis.
"Masaya at magandang laban ang mapapanood namin diyan, mahuhusay ang mga kasali," saad ni Leo Gonzales, karerista.
Sa unang race paglalabanan ang carry over sa Super Six at Pentafecta, kung saan magbabakbakan ang 14 na kalahok na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System.
May carry over na P92,664.29 sa Super 6 habang P15,426.47 sa pentafecta, ang mga pagpipilian ng mga karerista ay sina Director's Dona, Isa Pa Isa Pa, Count Me In, Magat Salamat, Prospero, Manlot Island, Play It Safe, Yabba Dabba Doo, Go Gee Go, Blind Item, Shining Star, Daldalero, Divine Dancer at Action Rules.
Hahamigin ng mananalong kabayo sa race ang added prize na P5,000 habang may karagdagang P15,000 na premyo ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.
Samantala, ipinapatok ng mga karera tipsters sa programa ng karera ang kalahok na si Brightright sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ikakasa sa 9th at final race.
Makakaharap ni Brightright sa distansyang 1,400 meter race sina One Of A Kind, Money Gain, Don't say Bad Words, No Regret, Shelltex Gold, Mangbabatas, Hunky Dory, Here I Am, Signature Whiskey, Brent Boy, Mutya Ng Lucban, Rancheros at Medaglia D' Amor.





Comments