Doble-ingat pa rin kahit mas pinaluwag na ang mga health protocols
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 17, 2021
Inaprubahan kamakailan ng IATF ang pagsasailalim ng Metro Manila sa Alert Level 3 mula Oktubre 16 hanggang 31.
Ito ay dahil bumubuti na ang kalagayan ng Kamaynilaan pagdating sa kaso ng COVID-19.
Sa ilalim ng classification na ito, papayagan nang itaas sa 30 percent ang operational capacity ng ilang negosyo, tulad ng restaurants para sa dine-in services mula sa 10 percent, gayundin para sa mga personal care services tulad ng barberya at salon.
Maaari na ring magbukas ang mga sinehan, ayon sa mga kinauukulan.
☻☻☻
Ngunit, paalala pa rin natin na kahit unti-unting binubuksan ang ekonomiya, dapat patuloy pa rin tayong mag-ingat laban sa COVID-19.
Bagama’t mataas ang vaccination rate sa Metro Manila at bumababa na ang utilization rate ng mga intensive care unit, nababahala pa rin ang mga healthcare workers sa sitwasyon.
Ayon sa kanila, marami pa rin ang pasyenteng nakapila upang magawaran ng medical attention, bukod pa sa dami ng pasyenteng dapat asikasuhin ng understaffed na mga medical facilities.
Tulad ng palagi nating sinasabi, let us be guided by Science. Dapat magkaroon ng regular na inspeksiyon ang IATF kung ang mga arcade at sinehan ay kumpleto at sinusunod ang 'cinema- or arcade-safe' measures, dahil kahit nand'yan na lahat ng protocols, at the end of the day, just one infected or asymptomatic movie-goer can defeat all the safety nets in place.
☻☻☻
Kung kaya’t patuloy tayong nakikiusap sa ating mga kababayan na huwag maging kampante dahil hindi pa natin nararating ang tinatawag na herd immunity. At kahit bakunado na tayo, maaari pa rin tayong mahawa o makahawa.
Ipagpatuloy po natin ang pagiging responsable at pagmamalasakit sa ating kapwa, lalo na sa ating mga frontliners. Patuloy din tayong sumunod sa basic safety and health protocols, lalung-lalo na sa mga kinakailangang lumabas ng ating mga tahanan.
Ang pagsugpo ng pandemic ay nakasalalay sa ating lahat, kung kaya’t sana ay patuloy tayong magtulungan.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments