Doble ang sakit… BIMBY, NAGKA-PNEUMONIA, KRIS BAWAL LUMAPIT
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 19, 2023

Naglabas ng dalawang bagong updates si Kris Aquino sa kanyang Instagram page last Monday, July 17. Ang isa ay tungkol sa kondisyon niya ngayon at ang isa naman ay tungkol sa tunay na dahilan ng breakup nila ni Batangas Vice-Governor Marc Leviste.
Sa unang post ni Kris ay ibinahagi niyang nagkasakit din ang kanyang bunsong anak na si James Carlos Aquino-Yap, Jr. o mas kilala sa palayaw na Bimby.
“I chose not to share with you until now that Bimb had fever starting on Saturday night, July 8. It started as a bad cough & sore throat.
“Monday, July 10, Dr. Henry, our Fil-Am friend who thankfully has been so kind to me & my sons — came by to check on Bimb…” simulang pagbabahagi ni Kris.
Pneumonia ang findings kay Bimby at ang masakit nito ay hindi siya allowed lumapit sa anak.
Pero sa ngayon naman daw ay maayos na ang kalagayan ng kanyang bunso.
Tungkol naman sa kanyang kondisyon, sadly, it’s not getting any better, kaya naman talagang kasama kami sa mga nagdarasal sa pagbuti ng kalagayan ni Kris.
“My next cycle for my biological injectable will be on Monday, July 24, the blood panel will determine if my dosage will be brought higher.
“On July 25, we’ll know if my methotrexate dosage will also be raised. The dosage I’m on right now causes me to be so exhausted, feeling like I have the flu, and struggling to get out of bed…
“I can only imagine how much harder it will become — that’s also the start of when I will have limited contact outside,” eksplanasyon ni Kris sa kanyang kalagayan.
Sa caption ay nagpasalamat muli si Kris sa mga taong nagdarasal para sa kanya, “One thing is very clear to me — buhay ako ngayon dahil hindi kayo nagsasawang isama ako sa mga prayers ninyo, even though most of you have never even met me in person. And that’s why I owe you only the TRUTH,” aniya.
Sa kanyang pangalawang post which was about VG Marc, ani Kris, hindi naman daw siya nagsinungaling nang sabihin niyang mahirap ang long-distance relationship, pero may iba pang importanteng factors sa kanilang paghihiwalay.
“I gave you a cleansed version of why I ended my relationship with Marc. I didn’t lie when I said a long-distance relationship is difficult.
“BUT I saw he has many dreams left to fulfill and many obligations to the people who gave him their vote,” ani Kris.
“Sadly, I’m in the battle of my life precisely because I’m doing all I can to save my life because my two sons still need me,” patuloy niya.
Ayon kay Tetay, alam naman daw niyang may sarili ring buhay si VG Marc pero kapag nakikita raw niya ang mga posts nito na nag-e-enjoy habang siya ay nagdurusa, hindi niya maiwasang magtampo or mapikon.
“I'm realistic enough that Marc has a life beyond trying to help take care of me. I apologize for seeming selfish but why will I add stress in my life when I see his posts enjoying himself when I am suffering 8,000 miles away?
“If we had tried to stay together as a couple, the ending would still be the same, tao rin ako na mapipikon at magtatampo dahil mararamdaman kong hindi ba niya naisip ang hirap na pinagdaraanan ko?” she said.
Ani pa ni Kris, sa tingin niya ay hindi pa handa si VG Marc sa responsibilidad ng isang seryosong relasyon.
“Kaya minabuti ko na sa akin na manggaling kasi nakita at naramdaman kong hindi siya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon kasama ang isang babae na tinatanggap ang realidad na ‘yung buhay niya ngayon ay ipinahiram na oras lamang ng Diyos.
“Pareho kaming may karapatan na mabuhay sa paraan na pinakapayapa ang mga puso namin,” aniya.
She assured na hindi siya magsasalita ng anumang hindi maganda laban sa pulitiko at hindi rin naman daw sila magkaaway.
“I'm keeping my word that he will never read nor hear me saying anything negative about him because what for? We're not enemies, we just weren't meant for each other,” pagtatapos ni Kris.
Sa caption ay sinabi ng Queen of All Media na nagpapasalamat siya sa ex-BF for staying with Bimby nang magkaroon ito ng sakit.
Sa comment section ay nag-comment si VG Marc ng, “Love, love, love you all.”
In fairness, sa komento ni VG Marc ay napaisip din kami na mukhang hindi nga siya seryoso sa relasyon with Kris. But then again, pumapasok din naman sa isip namin ‘yung ginawa niya ring pag-aalaga kay Tetay at ‘yung kahit malayo nga ang biyahe ay talagang pinupuntahan niya ito.
Well, sila lang naman ang nakakaalam ng kanilang relasyon, so, hayaan na lang natin na ang panahon na ang magsabi kung meant to be nga ba sila o hindi.





Comments