top of page
BULGARY - ANNE SA MGA KORUP KAHIT ‘DI NA SALAPI, ‘YUNG KATINUAN N’YO NA LANG ANG IBALIK-IG

DND, pumalag... Batanes, inaangkin ng China

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 43 minutes ago
  • 1 min read

by Jeff Tumbado @News | September 5, 2026



WPS - Department of National Defense

Photo: File / Department of National Defense



Mariing kinondena ng Department of National Defense (DND) nitong Biyernes ang isang artikulo ng Chinese state media na nagsasabing hindi kabilang sa teritoryo ng Pilipinas ang Batanes.


Ang pahayag ng DND ay kasunod ng inilathalang opinion piece ng state-run Global Times noong Setyembre 3 na may pamagat na “History shows that Batanes Islands do not belong to the Philippines.”


Isinulat ito ni Wang Yuanyuan, assistant research fellow sa National Institute for South China Sea Studies – Center for South China Sea History and Culture.

Sa artikulo, iginiit ni Wang na batay umano sa kasaysayan at batas, bahagi ng Taiwan ang Batanes at walang legal na batayan upang isama ang mga isla sa teritoryo ng Pilipinas.


Iginiit din ng Global Times na may mga Chinese na nanirahan umano sa Batanes “mula pa noong sinaunang panahon” at may kasaysayan at kultural na ugnayan ang mga residente nito sa Taiwan.


Bilang tugon, tinawag ng DND ang naturang artikulo na “state-sponsored propaganda” at sinabing isa itong halimbawa ng patuloy na pagpapakalat ng China ng mga baluktot na naratibo sa buong mundo.


Binigyang-diin ng kagawaran na hindi kailanman naging bahagi ng China ang Batanes o alinmang teritoryo ng Pilipinas, at hindi nito hahayaang maapektuhan ang soberanya at teritoryal na integridad ng bansa.


“Mariing kinokondena ng Department of National Defense ang state-sponsored propaganda na nag-aangking bahagi ng Tsina ang Batanes. Patunay lamang ito sa patuloy na pagpapakalat ng Tsina ng mga baluktot na naratibo sa buong mundo,” pahayag ng DND.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page