Divorced na kay Tom… CARLA, PULITIKO ANG BAGONG LALAKI
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 13, 2022

Visible nang muli ngayon ang Kapuso actress na si Carla Abellana. Marami ang nakapansin na blooming at glowing siya ngayon. Maganda na ang aura ni Carla at mukhang unti-unti nang nakaka-move on sa paghihiwalay nila ng mister na si Tom Rodriguez.
Kung tutuusin, malayang-malaya na rin ngayon si Carla dahil divorced na sila ng kanyang husband na si Tom. Panahon na rin na isaayos ni Carla ang kanyang buhay.
Magsimula siyang muli at bumuo ng magagandang pangarap.
Maging ang malalapit na kaibigan ni Carla ay natutuwa na makita siyang muli na masaya at nakakangiti na. Si Max Collins nga, gusto raw na muli silang magkasama ni Carla sa isang serye ng GMA Network.
Recently ay may umugong na tsika na may suitor ngayon si Carla na isang pulitiko. Hindi pa malinaw kung sino ang pulitikong ito na gustong manligaw kay Carla pero tiyak, hindi ito makakaligtas sa matalas na pang-amoy ng mga Marites sa showbiz.





Comments