- BULGAR
DIVORCE BILL NI ROBIN, SUPORTADO NG MARAMING NETIZENS
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 14, 2022

Super push si Sen. Robinhood Padilla na maaprubahan ang isinumite niyang Divorce Act of the Philippines. Katunayan, nag-live pa si Robin sa kanyang Facebook page para talakayin ang nitty-gritty ng kanyang isinusulong na batas sa Senado.
Ito ang inilagay na caption ni Robin sa kanyang FB post, “Ngayong araw, pag-uusapan natin ang panukalang batas ukol sa diborsiyo sa Pilipinas. Pakinggan natin mula sa inyong likod kasama ko sina Atty. Philip Jurado at Atty. Ellyn Suwalawan ang inihahaing batas na Divorce Act of the Philippines.”
Based sa comments na nabasa namin habang idini-discuss ni Sen. Robin at mga kasama niya ang divorce bill, mukhang marami ang pabor dito.
“Go to divorce,” ang karamihang comments ng mga netizens.
Kasunod na tanong nila ay kung magkano naman kaya ang mag-file ng divorce sa korte?
May mga nag-suggest na dapat affordable raw ang filing fee, hindi tulad ng babayaran sa pagpapa-annul ng kasal.
Kaya imbes na mapawalang-bisa ang kasal sa dating partner, tiis na lang daw sila sa pag-keep ng apelyido ng partner nila sa kaso ng mga babae.
At the same time, may nag-comment na huwag namang gawing libre lang ang proseso ng pagpa-file ng divorce dahil malamang talaga, aabusuhin ‘yan.
Tinanong din si Robin ng netizen kung bakit mas inuuna pa niya ang pag-push ng divorce bill kesa sa ipinag-iingay niya before election campaign na pederalismo.
May nagsasabi rin kay Sen. Robin na unahin ang batas na makakatulong sa panglaman sa tiyan ng mga Pinoy.
Ang divorce bill ay isa lamang sa sampung batas na isinumite ni Robin pag-upo niya sa Senado.
At isa pa sa mga nakita namin na isinumite ni Sen. Robin ay ang The Eddie Garcia Bill na pinakaaabangan at matagal nang iwini-wish ni FDCP Chair Liza Diño na maipasa sa Senado.
Aprubado na raw kasi sa Kongreso ang Eddie Garcia Bill at hinihintay na lang na maaprubahan sa Senado. Ipinu-push ito ni Chair Liza dahil ang mga taga-industriya ang magbe-benefit sa batas na ito kapag naipasa.