Diversity, tatakbo sa 3-YO Maiden Race
ni Green Lantern @Renda at Latigo | January 11, 2022
Isa sa makikipagtagisan ng bilis si Diversity sa magaganap na 3-Year-Old Maiden Stakes Race na pakakawalan sa Enero 22, (Linggo) sa pista ng Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Nominado si Diversity sa nasabing karera at walo pang batang kabayo para magpasiklaban sa distansiyang 1,400 meter race.
Unang stakes race ngayong 2023 kaya inaasahang masisiyahan muli ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Rerenda kay Diversity si dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema, kabilang sa naghayag ng paglahok ay si Diamond Star.
Nakataya ang P1.2-M garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina Distant Thunder, Domsat Seven, Going East, Maka Green, Mendel Bell, Sandigan at Take A Chance.
Kukubrahin ng magwawaging kabayo ang P720,000, mapupunta sa pangalawa ang P240,000 habang tig-P120,000 at P60,000 sa third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.
Inaasahan din na may hahamigin din ang breeder ng winning horse owner bagamat wala pang opisyal na lineup ay tiyak naghahanda na ang mga trainers at hinete.
Mapupunta ang P60,000 sa winning breeder habang tig-P36,000 at P24,000 ang second at third ayon sa pagkakasunod sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.





Comments