Dismayado raw sa aktres… HIRIT NG DATING MANAGER SA ABS-CBN: LIZA, NAKIKIPAGPLASTIKAN LANG PALA
- BULGAR
- Mar 13, 2023
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 13, 2023

Kung ang akala ni Liza Soberano ay mabibigyang-linaw na niya ang kanyang mga naging unang pahayag sa kanyang This Is Me vlog kung saan may ilang na-offend kaya tinawag siyang ingrata, walang utang na loob, ilusyunada at kung anu-ano pa, mukhang may ilang nilalang pa rin ang hindi naunawaan o ayaw unawain si Liza dahil nasaktan pa rin sa kanyang mga sinabi sa one-on-one interview sa kanya ni Tito Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA-7.
Heto nga't viral ngayon ang isang statement ng creative manager ng dating serye nina Liza Soberano at Enrique Gil na Forevermore na si Jay Fernando, kung saan sinabi nitong "nakikipagplastikan" lang pala si Liza sa kanila.
Base sa kumalat na socmed post ni Jay Fernando, "Forevermore lang ang naging project ko with Hope (real name ni Liza). I liked her then. I thought she liked us too nu'ng nasa Baguio kami at nagtatrabaho. I thought she liked what she did. I wished she did.
"Back then I thought we created magic, brought La Presa (setting ng serye) to life and created a beautiful moment in our lives. Hanggang ngayon, nakatayo pa rin 'yun du'n.
"I guess that's how it is, nakikipagplastikan lang pala siya. I hope she finds success and joy in wherever she would like to go after burning the bridges. More than that, I hope she finds herself and be well."
Bukod diyan, may ibinato ring isyu kay Liza bilang sagot sa naging pahayag niya na "Hindi ko pinangarap na maging artista."
May naglabas ng dating sinabi ni Liza nu'ng nag-o-audition pa lang siya para maging artista kung saan ganito umano ang naging pahayag ng magandang aktres, "Bata pa lang ako, gusto kong maging actress or model."
Kaya naman, kinukuwestiyon nila ngayon ang consistency ni Liza at ang purpose ng pagsasalita nito matapos mag-decide na mag-solo for rebranding at iwan ang ka-love team for 13 years na si Enrique Gil.
May mga tumatawag nga rin ngayong "selfish" kay Liza dahil sa kagustuhan daw nitong maabot ang kanyang Hollywood dream, iniwan na sa ere ang reel and real BF na si Enrique Gil.
Uy, teka naman, maaaring may mga wala sa hulog na nasabi si Liza sa kanyang vlog at interview na hindi katanggap-tanggap para sa iba, pero sana, 'wag din natin siyang tanggalan ng karapatan kung gusto niyang mag-grow at hanapin ang kanyang kapalaran sa ibang bansa.
Unang-una, love team lang naman sila ni Enrique na dapat, aware rin ang aktor na may panahon lang na sikat sila at hindi 'yun panghabampanahon. Dapat ay napaghandaan na rin ito ni Enrique dahil hindi naman puwedeng hanggang mag-senior citizen na sila ay sila pa rin ni Liza ang magka-love team.
Kaya 'wag namang isisi kay Liza kung naiwan ngayon sa ere si Enrique. Diskarte na dapat 'yun ni Quen kung paano siya aangat uli at pag-uusapan tulad ng ginagawa ngayon ni Liza, mapa-positive o negative man.
Again, ayaw muna naming husgahan ang magiging kapalaran ni Liza sa pag-iba niya ng landas na tinatahak. Kung magiging successful siya, eh, di mabuti dahil magiging karangalan siya ng 'Pinas sa ibang bansa.
At kung sakaling hindi naman siya palarin, hindi rin naman magandang ikatuwa natin 'yun para lang masabi natin sa ating sarili na vindicated tayo sa panghuhusga sa kanya, 'no!
Kaya, mga Ka-BULGAR natin d'yan, wait and see na lang tayo kung saan nga ba dadalhin ng kapalaran si Liza Soberano na mas gusto nang makilala ngayon bilang Hope Soberano.





Comments