Diskarte ni Valenzuela Mayor Gatchalian vs. NLEX corp., dapat tularan!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 9, 2020
DISKARTENG MAYOR GATCHALIAN VS. NLEX CORP., DAPAT GAYAHIN NG IBANG ALKALDE—Sinuspinde ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang business permit ng NLEX Corporation dahil sa kapalpakan ng implementasyon nito ng RFID cashless toll collection na nagdulot ng araw-araw na matinding traffic sa mga toll plaza sa lungsod, papasok at palabas ng North Luzon Expressway.
Dahil suspendido na ang business permit, nawala na ang trapik at nakakapasok at nakakalabas ng Valenzuela City toll plaza ang mga motorista nang libre o walang bayad.
Sana, gawin din ng ibang alkalde na may sakop sa NLEX ang ginawang diskarte ni Mayor Garchalian para tinuan ng NLEX corporation ang serbisyo nila sa publiko, period!
◘◘◘
SINAMANTALA NG NLEX CORP. ANG PANDEMIC PARA KUMITA NANG LIMPAK-LIMPAK NA SALAPI—Sa totoo lang, ginamit lang ng NLEX Corporation ang COVID-19 pandemic para kumita nang limpak-limpak na salapi, na ang propaganda nila ay para raw makatulong sa paglaban sa virus ay magpapairal sila ng cashless collection upang hindi raw magkahawaan ng virus ang teller at motorsta.
Kay ganyang propaganda, ‘yun pala ang magpu-pokus lang sila sa bayad na P500 sa kabit ng RFID sticker at load sa bawat sasakyan, kaysa ayusin ang implementasyon nito, kaya ang resulta ng RFID cashless collection, palpak!
◘◘◘
NAISIP DIN NI P-DUTERTE ANG KAHALAGAHAN NG COVID-19 MASS TESTING—Sabi ni P-Duterte na ngayon lang daw niya napagtanto ang kahalagahan ng COVID-19 mass testing.
Mantakin n’yo, makalipas ang siyam na buwan, ngayon lang naisip ito ng Pangulo, boom!
◘◘◘
MAS DAPAT MAKINIG SI P-DUTERTE SA MGA HEALTH EXPERTS KAYSA SA MGA RETIRED GENERALS—Kung noong una pa lang nang pananalasa ng virus sa bansa ay nagpairal na agad ng COVID-19 mass testing ang gobyerno, sana hindi marami ang namatay, tinamaan ng virus, nawalan ng hanapbuhay, naghirap at nagutom,
Ewan ba natin sa Pangulo kung bakit mas nakinig sa mga retired generals na miyembro ng IATF (Inter-Agency Task Force) na hindi mahalaga ang COVID-19 mass testing, kaysa sa mga health experts na noong una pa lang ay nagsuhestiyon na sa pamahalaan na magpairal ng mass testing sa mamamayan, period!





Comments