top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Discount ng senior citizens sa food delivery apps, ibigay!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | March 8, 2021


Kabilang sa mga prebilehiyo ng mga senior citizens ay ang mga diskuwento sa iba’t ibang bilihin.


Kaya naman sa totoo lang, marami tayong kababayan ang atat maging senior citizen dahil sa iba’t ibang prebilehiyo na kaakibat nito.


Ngunit paano naman kung hindi sa lahat ng pagkakataon ay naibibigay ito sa kanila?


Kaugnay nito, naghain ng resolusyon sa Kamara ang isang mambabatas para alamin kung bakit hindi kinikilala ng ilang food delivery applications ang 20% discount para sa senior citizens.


Ito ay kasunod ng pagkakatanggap ng maraming reklamo mula sa mga nakatatanda na hindi sila makapag-avail ng diskuwento sa mga pagkain sa ilang food delivery apps.


Matatandaang sa ilalim ng Republic Act (RA) 9944 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, ang mga nasa edad 60 pataas ay dapat bigyan ng 20% discount at exempted sa VAT ng mga piling produkto at serbisyo.


Binigyang-diin pa ng mambabatas na sakop ng batas ang delivery orders basta’t makapagbibigay ng senior citizen ID card number habang umu-order sa telepono, na maipi-presinta rin pagdating ng delivery.


Sa totoo lang, isa sa mga inaasahan ng ilang senior citizen ang delivery apps para maiwasan ang paglabas at makaiwas sa virus. Kumbaga, magaan sana ang kanilang buhay, pero kung ‘di naman maibibigay ang diskuwento para sa kanila, para saan pa ang batas?


Kaya panawagan sa mga delivery apps, ‘wag ho pera-pera. Pag-aralan n’yo kung paano mapabubuti ang inyong serbisyo dahil kostumer pa rin ang mga ito.


Kung nasa batas naman, ibigay n’yo sa ating mga senior citizens ang diskuwento na para sa kanila. Tandaan na bilang negosyante, tungkulin n’yong sumunod sa batas sa lahat ng oras.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page