Direktor ng movie, todo-palusot pa raw… XIAN, BUKING NA GUSTONG LOKOHIN ANG IMMIGRATION SA THAILAND
- BULGAR
- Jul 9, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| July 9, 2024

Ikinuwento ni Xian Lim ang pre-production preparations na ginawa nila para sa movie shot sa Thailand.
Nakatanggap ng mga comments ang Kapuso actor-director na "palusot" lang ito matapos niyang ibahagi ang mga pre-production preparations na ginawa nila ng kanyang team para sa pelikulang Kuman Thong.
Isa itong thriller film kung saan si Cindy Miranda ang isa sa mga bida. Kasama niya ang Thai actor na si Max Nattapol Diloknawarit at ang child star na si Ruedas Dati.
Ibinahagi ni Cindy na isang hamon ang shooting ng pelikula sa nasabing bansa. Bukod sa limitadong oras, naging hamon din sa kanila ang pagharap sa mainit na temperatura.
Sa kabilang banda, pinuri niya si Xian sa mahusay nitong trabaho bilang direktor.
Ang isa sa mga larawan na kanyang ibinahagi ay nagpakitang tila tinatalakay ng GF ni Xian na si Iris Lee kung ano ang naka-flash sa isang monitor.
Ang nakasaad sa monitor, “We will not declare shoot," na kanila raw sasabihin sa Immigration.
Dahil dito, binatikos sila ng mga netizens dahil sa umano’y hindi katapatan.
Tinanggal naman ng aktor ang partikular na larawang iyon.
Matapos ang mga negatibong komento laban kina Xian at Iris, nagbahagi ang aktor-direktor ng isang mahabang post sa Instagram (IG) at ipinaliwanag ang bawat larawan na kanyang ipinost.
Sinabi ni Xian sa kanyang caption na ito ay isang immersive 4-day ocular para sa pelikula.
Isa sa mga larawang ibinahagi niya ay ipinakita ang mga staff mula sa Thai production company na kanilang pinagtrabahuhan. Sinabi niya na ito ang parehong kumpanya ng produksiyon na tumulong sa kanyang team nu’ng 2017 nang kinukunan nila ang Dear Other Self.
Sinabi rin ni Xian na ang film board sa Thailand ay nagbigay ng komportableng van para sa kanilang team. Ang iba pang mga larawan ay nagpakita na sila ay tumitingin sa ilang mga lokasyon na maaaring kunan.
SINAGOT ni Luis Manzano ang sumita sa paraan ng pagkarga ni Jessy Mendiola kay Baby Peanut.
Nagbahagi kasi si Jessy ng ilang photos ng anak nilang si Rosie.
Ang caption ng aktres: “My heart, truly grateful for the gift of family. Thank you, Lord.
Sobrang saya ng puso ko. I love you both so, so much @luckymanzano and @isabellarosemanzano.”
Napuna ng isang netizen ang pagkarga ni Jessy kay Baby Peanut. Nagkomento ito at nilektyuran si Jessy kung paano ang tamang pagkarga sa anak.
Sey nito, “Jess, don’t carry her like that. She’s going to have a bowleg.”
Hindi yata nagustuhan ni Luis ang komento ng netizen kaya sinagot niya ito.
“‘Pag ganyan - itulog n’yo na lang po,” iritableng reply ng TV host.
Wala namang masama sa sinabi ng netizen. Tama naman na hindi dapat kinakarga sa tagiliran ang bata dahil kapag nakaugalian ay maaapektuhan ang paglalakad nito paglaki. Kumbaga, magiging sakang ito.
Comentários