top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Direktiba ng Malacañang hinggil sa pagbili ng bakuna, now na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 30, 2021



Pinayagan na ang mga local government units (LGUs) na bumili ng COVID vaccines para sa kani-kanilang komunidad.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


Nakupo, oportunidad ito ng korupsiyong kung saan ang ilang tiwaling LGUs executives ay maaring pagdudahan sa kapag hindi maayos at hindi transparent ang procurement process.


‘Yan ang dapat bantayan ng publiko!


◘◘◘


Kinakalantari na rin ngayon sa social media ang ulat na papakyaw na rin ng COVID-19 vaccine ang Caloocan City.


Binabalak ng city hall na bumili ng 600, 000 doses ng bakuna mula sa AstraZeneca at Johnson & Johnson!


◘◘◘


Mahalagang magkaroon ng malinaw na direktiba ang Malacañang kung paano isasagawa ang procurement ng mga COVID vaccine sa hanay ng mga LGUs.


Ito ay upang maipatupad ang ganap na transparency o paglalantad ng transaksiyon upang maiwasan ang kaliwa’t kanang akusasyon ng korupsiyon!


◘◘◘


Malinaw na mababahiran ng pulitika ang COVID vaccines procurement kung hindi man ay magiging fund raising drive ito ng mga pulitikong gumigire sa 2022 elections.


Kung paano ito reresolbahin ng Malacañang ay nananatiling malaking palaisipan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page