DIREK VINCE: NANLOKO PO AKO. PASENSIYA NA PO SA PAMILYA AQUINO
- BULGAR
- Feb 20, 2023
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 20, 2023

Punumpuno ang Cinema 7 ng Power Plant Mall sa Rockwell Makati last Saturday night (Feb. 18) dahil sa grand premiere ng controversial movie ni Direk Vince Tañada titled Ako si Ninoy.
Dumating ang bida ng movie na si JK Labajo (who played Ninoy Aquino) at ilang co-stars tulad ng leading lady na si Sarah Holmes (gumanap na Cory Aquino), Johnrey Rivas, Pinky Amador, Donita Nose at Marlo Mortel.
Nandu'n din to give support ang kapatid ni Kris Aquino na si Viel Aquino-Dee, si former Sen. Bam Aquino at si Direk Joel Lamangan.
Malaman at makabuluhan ang naging opening speech ni Direk Vince bago sinimulan ang screening ng Ako si Ninoy.
Ikinuwento niya kung gaano kalaki ang naging impact sa kanyang buhay ni Ninoy Aquino.
Taong 1983 daw nu'ng dinala siya ng ama sa biggest funeral sa Philippine history. Ten years old pa lang daw siya noon at dahil sa dami ng tao (2 million), nahiwalay siya sa ama at nakita na lang siyang nakayakap sa itim na telang nakakabit sa malaking truck na nagsilbing 'funeral hearse' o karo ni Ninoy.
And after all those years, ngayon lang daw nag-sink in kay Direk Vince ang relevance ng nangyari sa kanya nu'ng 1983.

Aniya, “But tonight, alam ko na po ang dahilan. Nais ko pong magbigay sana ng tribute kay Ninoy gamit ang aking sining. Kaya lang po, alam kong hindi iyon ang gusto niya."
Patuloy niya, “In 2009, the Benigno Aquino Foundation commissioned me to write a stage musical entitled Ako Si Ninoy. And I remember the exact words of late President Cory Aquino. She said, ‘Don’t write only about us. Write also about our people.’
“Well, humble talaga si Tita Cory. Ako naman, bilang bagong manunulat noon, sumunod. At ngayon, eto na nga po 'yung pelikula natin.
“It is only tonight that I understand the relevance of the triumvirate, that powerful triangle, that invisible tie — Ninoy, Cory, and the Filipino people."
Kasunod nito ang linyang medyo ikinagulat ng mga nasa cinema, “Pasensiya na po kayo, nanloko po ako… Pasensiya na po sa pamilya. Hindi po ito Ninoy biopic. Bagama’t 'yun po ang ipinromote namin sa lahat, hindi po ito tungkol kay Ninoy lamang. Kasi ayaw ko pong magalit si Ninoy at si Cory sa akin. Tungkol po ito sa atin bilang isang nasyon. Tungkol po ito sa ating mga kababayan."
Hindi rin naiwasan ni Direk Vince na magkaroon ng hugot sa sinabi niya, “At pagkatapos po akong libakin, nagsimula nu'ng Katips, at mas lalo ngayon, I still have faith in the Filipino people.
“At sa pamamagitan po ng pelikulang ito, sana… I know that this may not be much, pero sana…
masabi pa rin natin that the Filipino is worth living for, that the Filipino is worth fighting for, and ultimately the Filipino is worth dying for."
Samantala, very grateful din daw ang bidang si JK Labajo dahil sa kanya ipinagkatiwala ang role ni Ninoy Aquino.
"I just wish we can help with battling misinformation and people trying to change our real history.
This is for the future of our children, and children's children. Kasi without our history, then I doubt
we will have any good future.
"Sana nagustuhan po ninyo at sana na-justify ko ang role ni Ninoy," ani JK.
Showing na ang Ako si Ninoy sa February 22.





Comments