DIREK LAUREN KAY LIZA: SUWERTE KA NA GUMANDA ANG BUHAY MO
ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 14, 2023

Nahingan ng reaksiyon kamakailan ang head ng Star Magic na si Mr. Lauren Dyogi kaugnay ng huling sinabi ng dating Kapamilya star na si Liza Soberano sa panayam sa kanya ni Tito Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda.
Naging controversial ang statement ni Liza na "Hindi ko pinangarap maging artista, that they assume na gusto kong maging artista ever since when I was a kid, which is not true."
Esplika pa ng aktres, "I had to be an artista para mapaaral ko ang sarili ko, para mapaaral ko ang kapatid ko, para mabuhay ko ‘yung family ko."
Pero pagkatapos nito, may naglabas ng dating statement ni Liza nu'ng nag-o-audition pa lang siya sa ABS-CBN.
Ang sabi ni Liza nu'ng mga panahong 'yun, "Bata pa lang ako, gusto ko nang maging aktres."
Kaya ang komento ng mga netizens, paiba-iba raw talaga ang mga sinasabi ni Liza, at hindi ito consistent.
Ayon naman kay Direk Lauren, Liza might be going through a phase called "quarter life questioning."
Aniya, "Liza’s lucky enough to have opportunities presented to her na hindi nape-present sa karamihan na nangangarap na mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya at ng sarili nila.
Remember, she’s still in her first quarter of her 100 years of life (25 years old), ‘di ba? Siguro, nagku-quarter life questioning siya. Nangyayari naman sa atin ‘yun, eh.
"So, we allow her to explore and aspire for something better for herself. If that meant moving on to somewhere else, moving on to different territory, you know, let’s just wish her well."
Ganyan kamahal ng mga taga-ABS-CBN si Liza, kahit may mga negatibo siyang sinasabi sa dati niyang home studio, ang kanyang ikabubuti pa rin ang iniisip ng mga taga-Kapamilya.





Comments