top of page
Search
  • BULGAR

DIREK CATHY, NO SHOW SA BDAY NI KATHRYN, PRESENT KAY DANIEL

ni Ambet Nabus @Let's See | May 2, 2024


Showbiz Photo
File photo: Kathryn Bernardo Official / FB

NAKAKALOKA rin ang mga netizens na pati si Direk Cathy Garcia-Sampana ay hindi iniligtas sa bashing.


Dahil lang sa nagkaroon ng time na pumunta ang ating kumareng tugang Direk Cathy sa birthday ni Daniel Padilla (DJ), aba'y nakatanggap na ito ng bashing?


Ayaw naman naming isiping galing 'yun sa kampo ni Kathryn Bernardo o 'di kaya'y sa kampo ng mga galit na DJ supporters, pero parang wala naman na yata ‘yun sa huwisyo.


Porke ba hindi nakadalo sa birthday ni Kath si Direk Cathy at nagkataon sigurong may time siya nu’ng si DJ naman ang nag-birthday, iba-bash na siya?


We don't think na sa pangyayaring ‘yun ay mas kinakampihan o pinapaboran ni Direk Cathy si DJ. Kilala namin ang aming kumare-tugang at alam din naming kapwa niya mahal ang mga anak-anakan niyang sina DJ at Kath, kahit pa nga naghiwalay na ang mga ito.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page