DIREK CATHY, AYAW NG MGA ARTISTA SA WEDDING NIYA, SINUGOD PA RIN NINA KATHNIEL, IAN, ETC.
- BULGAR
- May 8, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 8, 2023

Hindi natupad ang hiling ni Direk Cathy Garcia-Molina na walang artista sa wedding nila ng partner niyang cinematographer na si Louie Sampana.
Sinugod kasi ng mga celebrity friends ni Direk Cathy ang wedding niya na ginanap sa isang beach sa Zambales.
Ayaw sanang imbitahan ni Direk Cathy ang mga kaibigan niya sa showbiz dahil alam niya na magiging circus ang kasal nila ng kanyang partner. Ang gusto nito ay silang dalawa ng asawa niya ang bida sa wedding nila.
Sa true lang, natanong din namin noon si Direk Cathy kung magiging part ba ng wedding entourage niya sina John Lloyd Cruz, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at iba pa.

Pero ang sagot ni Direk Cathy ay hindi at baka maging guest lang niya ang mga ito.
Present sina Kathryn, Daniel, Ian Veneracion, Joross Gamboa, Jeffrey Tam at Alden Richards sa nasabing wedding.
Last Saturday, nagkaroon kami ng chance na makausap si Direk Cathy over the phone.
Naghahanda na raw siya para sa honeymoon nila ng kanyang mister.
"Sa Maldives," ang bungad ni Direk Cathy when we asked her kung saan ang honeymoon nila.
"Dream ko talaga 'yun, eh. Pupunta kami on May 14 at hanggang 21 kami ru'n."
Sasamantalahin daw niya habang hindi pa siya busy para sa shooting ng pelikula. Pero pagkabalik niya from Maldives, trabaho na siya agad.

May ibang movie project pang gagawin si Direk Cathy. Hindi na raw muna tuloy ang movie niya with Kathryn and Daniel. May kani-kanyang movie project daw munang haharapin ang reel and real-life partner.
Comments