Dinuru-duro raw ng aktres… ELLEN, BINANTAANG MAMAMATAY ANG 'KABIT' NI DEREK
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 19, 2022

Isang netizen ang nagkuwento na siya raw ang third party sa panaginip niya tungkol kina Derek Ramsay at Ellen Adarna.
Ipinost ni Derek ang kuwento ng netizen…
“Napanaginipan ko sina Derek at Ellen… nag-cheat daw si Derek kay Ellen at ako 'yung third party, LOL! Nahiya naman sa beauty ko, LOL."
Dagdag pa niya, galit na galit daw si Ellen sa kanya, pero nag-sorry naman daw siya dahil panaginip lang naman iyon.
"Ako pa talaga… jusmiyo!!! Galit na galit sa 'kin si Ellen. Sorry, Ellen, ha, panaginip lang 'yun."
Pabiro namang sumagot ang Bisayang aktres, “Baka pagtulog mo mamaya, may part 2 panaginip, patay ka na sa panaginip mo (laughing emojis). Lololol! Joke!”
Sagot pa ng netizen, tawang-tawa siya dahil dinuru-duro pa siya ni Ellen sa kanyang panaginip kaya aniya, lalayuan niya na si Derek sakaling magkaroon ng karugtong ang kanyang dream.
Ang dami talagang kababaihan na nababaliw sa hunk aktor. Imagine, maging sa panaginip, nadadala nila ito.
Relate much nga ang inyong lingkod dahil minsan na rin naming napanaginipan ang ultimate crush naming si Piolo Pascual.
Napakagandang dream nu'n dahil sa panaginip namin, talagang good provider si Papa P at napakabuting tao.
Hindi pa 'yun, may part 2 pa ang panaginip ko!
O, 'di ba? At least, kahit sa panaginip man lang ay nagkaroon kami ng relasyon ng hinahangaan namin, na ang akala namin ay totoong-totoo na.
Nanghinayang pa ako paggising dahil mister ko pala ang katabi ko, heist!
Hahahaha!
Sorry po, my dearest beautiful editor, secret dream ko po sana, kaya lang naka-relate ako sa netizen, eh. Hehehe! (At least, walang magbabanta sa 'yo na papatayin ka, ako lang! Char! — JDN)





Comments