Dinidisiplina lang daw sa pagwawala sa bar… VICE, NEVER BIBITAWAN SI AWRA
- BULGAR
- Aug 24, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | August 24, 2023

Oh, hayan, ha? Gaya ng naisulat na natin dito, under stricter monitoring pa rin si Awra Briguela lalo na sa mga socmed activities nito, pati na ‘yung pakikipag-bonding sa mga friends and his night-out gimmick.
Mismong si Meme Vice Ganda ang nagkuwento niyan na nagugulat daw sa mga tsikang tuluyan na niyang niligwak ang anak-anakan bilang kanyang ward o alaga.
Si Meme Vice pa rin ang manager ni Awra at maayos ang pakikipag-ugnayan nito sa pamilya, kaya't hindi niya ito iiwanan.
Dumadaan lang talaga sa proseso ng pagkorek at pagpapairal ng wastong disiplina si Awra, kaya't hindi ito tulad dati na sobrang "free" sa mga ganap.
May mga legal consequences/issues nga na hinaharap ito sa ngayon, kaya't nais nina Meme Vice Ganda at mga nakapaligid kay Awra na matulungan ito nang tama.





Comments