top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dingdong, para 'di na matsismis sa iba… HIRIT NI MARIAN: AKO NA LANG ANG MAGPAPABUNTIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 31, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | January 31, 2021




Walang time sa fake news sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kaya sorry na lang sa mga naghihintay na magsasalita ang isa sa kanila sa tsismis na lagi namang fake.


Tuloy lang ang trabaho ng mag-asawa at si Dingdong pa rin ang director ni Marian ng kanyang spiel sa Tadhana at sa bahay pa rin nila ang taping.


Ang latest nga, baka raw preggy si Marian, so siya pala ang buntis o magbubuntis at hindi ibang babae.


Sabi nga nito kay Lolit Solis, siya na lang ang magbubuntis para wala nang tsismis.


‘Katuwa ang reaction ng mga netizens na kahit hindi pa kumpirmadong buntis si Marian, gusto na nilang makita ang magiging baby number 3 ng Dongyan para raw makita kung sino ang kamukha.


Tuloy pa rin ang pagho-host ni Dingdong ng Amazing Earth and this Sunday, tampok si Wilfredo Villamero na scuba diver na ang paniwala, iniligtas siya ni Santo Niño nang mawalan ng oxygen habang nasa ilalim ng dagat. Ipapakita rin ang underwater grotto na dinadayo ng tao.


Samantala, makabibili na ng tiket para sa stage play ni Marian na Password:03d1pu5_r3x na mapapanood via Zoom. Sa February na ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page