Dingdong, nakahalikan na… CHARO, GAME MAINLAB SA MAS BATANG LALAKI
- BULGAR

- May 27, 2025
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 27, 20255
Photo: Charo Santos-Concio / IG
Seven years ago nang unang pangarapin ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na makatrabaho ang nag-iisang Charo Santos ng showbiz, pero ngayon lang ito finally nagkaroon ng katuparan.
Si Direk Irene Villamor mismo ang nagkuwento sa ginanap na “speed dating”/interview with the entertainment press kahapon ng mga bida ng Only We Know, ang latest Star Cinema/Agosto Dos/Cornerstone/7K Entertainment offering, na sina Ms. Charo and Dingdong na dati pang pangarap ito ng aktor at nang may producer na mutual friend nila na lumapit kay direk ay inupuan na nga nila ito at nag-pitch na siya ng concept sa dalawang bida.
“Sabi ko nga, napakatapang nito (Dingdong) that he wanted to do this movie, this narrative with me,” nakangiting sabi ni Ma'm Charo dahil hindi nga simpleng love story ang movie na tungkol sa isang babaeng maa-attach sa lalaking malaki ang agwat sa kanyang edad pero tipong silang dalawa lang ang nakakaalam sa relasyong meron sila.
Pero kung dream ni Dingdong na maka-work ang isang Charo Santos na isa sa mga respetadong aktres sa TV and movie industry at dati pang presidente ng ABS-CBN, nagpakatotoo naman si Ma'm Charo na never niyang naisip na magiging leading man
ang mister ni Marian Rivera.
“He was never in my consciousness. Siguro dahil nasa ABS-CBN ako and I was running the entertainment division of the company. So ang focus ko talaga, ‘yung mga talents ng ABS. But when he started doing movies for Star Cinema, nakita ko ‘yung growth niya and maturity as an actor, ‘no? The first and only time I met him for this project is when he came to my office where I pitched also a story-idea to him, pero to this day nga, ‘di pa nagagawa ‘yun, eh.
“So, ‘yun lang. It was a very professional meeting between a producer and a talent. Tapos dito pala mag-e-end up,” natatawang chika ni Ma'm Charo.
Since first time nga nila na magkatrabaho sa movie, tinanong namin sina Ma'm Charo at Dingdong kung ano ang tumatak sa kanilang qualities ng isa't isa while doing Only We Know.
Si Ma'm Charo ang unang sumagot, “Sa akin, he takes his craft seriously. Seryoso siya sa ginagawa niya. Klaro ang vision niya of himself and his career. He works hard. He's very dedicated to his craft. And on the personal side, he's a real gentleman.”
Ang kuwento naman ni Dingdong sa kanyang bagong leading lady, “Marami akong natututunan sa kanya kahit hindi niya literally itinuturo sa akin, just by observing. Marami akong nakukuha dahil sa inspirasyon sa lahat ng sinasabi niya. But more importantly, na-realize ko she's a very generous person. Hindi siya madamot sa ideas, hindi siya madamot sa kuwento. In fact, ang dami naming napag-usapan about life in general.
“‘Yung 200 films na nagawa niya, nasa-sideline lang ‘yun. So para talaga siyang preacher of life sa lawak na ng kanyang experience, sa lawak na ng kanyang nagawa,” papuri pa ni Dingdong sa respetadong aktres.
Tinanong namin si Ma'm Charo ng hypothetical question kung posible ba siyang ma-in love sa mas batang lalaki in real life tulad sa kuwento ng karakter nila ni Dingdong sa Only We Know.
Sagot niya, “Oh, yeah, of course!”
Samantala, may nakapag-chika sa amin na may intimate scenes sina Ma'm Charo at Dong sa movie bukod sa kanilang kissing scenes na hindi naman kinumpirma ng dalawa sa interview at abangan na lang daw sa June 11 sa mga cinemas nationwide.
Ay, for sure maraming curious at gustong mapanood ‘yan sa Only We Know kaya ngayon pa lang, save your money na para sure na may pambili kayo ng tiket sa June 11.
May international screening din ang Only We Know kaya mukhang may bagong “love team” tayong aabangan.






Comments