DINGDONG NADALE, NAWALAN NG BOSES
- BULGAR
- Sep 21, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 21, 2023

Sa pamamagitan ng post sa Instagram, ipinaliwanag ni Dingdong Dantes kung bakit biglang nag-iba ang kanyang boses sa Monday ba o Tuesday episode ng Royal Blood.
Bukod sa nag-iba, paos pa ang boses ni Dingdong kaya’t nagtaka ang mga viewers.
“Tinawagan ako ni @harveycamposano na hindi mahilig manood ng teleserye, pero dahil sa Royal Blood, na-convert ko siya na maging isang Royalista, haha! Nagtataka siya kung bakit iba ang boses ko noong isang episode early this week.
"So ito nga ang dahilan. Nawalan ako ng boses during our last taping day, at hindi ako nakapag-dub dahil bumalik ang boses ko 2 araw matapos ito, kaya hindi naabutan ng airing. Kudos to all the staff who still made the airing possible despite this setback.
"Ingat din kayo kasi meron talagang flu na umiikot. Kaya ayan, nadali ako. Haha! 'Ika nga, ‘the show must go on.’”
Kaya ‘yung mga nag-congratulate kay Dingdong sa ganda ng Royal Blood, may kasamang wish for him to get well and take it easy.
Kaya lang, kahit magtapos ang series, busy pa rin siya dahil nagsimula na siyang mag-taping ng Family Feud na babalik simula October 2.
Nabanggit ni Marian Rivera na magsisimula na silang mag-shooting ng 2023 MMFF entry nilang Rewind. Hindi kami sure kung tapos na ang shooting ni Dingdong ng pelikulang Firefly, pero itong mga projects ang nagpapa-busy sa kanya.




Comments