top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

DINGDONG, IBINULGAR NA MAY PROBLEMA ANG PAMILYA NILA NI MARIAN

Writer: BULGAR
BULGAR
May 2, 2023
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 2, 2023



Tuluy-tuloy ang taping ni Dingdong Dantes para sa seryeng pagbibidahan niya na may titulong Royal Blood.


Gaganap si Dingdong bilang si Napoy na isang delivery rider. Iniba ang hairstyle ng aktor, may mullet at blonde highlights, at bumagay naman ito sa kanya.


Lalong enjoy nito si Dingdong dahil ang mga eksena niya ay madalas na nakasakay sa motorcycle, kasi isa nga siyang rider dito.


Isa pang ikinatuwa ni Dingdong sa nasabing serye ay muli niyang makakasama ang veteran actor na si Tirso Cruz III na nakasama na niya sa Ikaw Na Nga at Endless Love.


At kung hindi kami nagkakamali, mag-ama ang role nila sa Royal Blood, kaya lang ay anak siya nito sa labas.


Ayon kay Dingdong, sobrang saya niya nang malamang makakasama niya uli si Tirso.


"Very fatherly sa set, very warm, ang dami mong matututunan and at the same time, very funny.


'Yun 'yung pinakamahalaga kasi talagang hindi puwedeng palaging serious, dahil mahirap 'yung trabahong ginagawa. Kahit papaano, we have time to laugh and take things lightly and that's what he provides."


Siniguro ni Dingdong na hindi maaapektuhan ang iba niyang shows sa GMA-7 sa paggawa niya ng teleserye.


Saka, magkakaroon ng season break ang Family Feud sa June, 2023 at sa September, 2023 na ito magbabalik, to give way siguro sa ibang shows ng aktor.


Samantala, very proud parents sina Dingdong at Marian Rivera sa piano recital ng eldest nilang si Zia na ang daming talents.


Nabahala lang ang mga DongYan fans sa caption ni Dingdong sa post niya tungkol sa anak dahil may binanggit itong "setbacks" o mga dagok.


"We've been experiencing setbacks and curveballs in the past few weeks, which is normal in life.


But amidst the chaos, there are moments like this- watching my daughter play the piano with grace in her first recital.


"Suddenly, I snap out of the worry and all I see is beauty. It reminds me to hold onto hope and find comfort in life's little moments and that everything's gonna be alright. Everything's gonna be alright. (thumbs up emoji)."


Wish ng DongYan fans na malagpasan ng DongYan ang mga setbacks na binanggit ni Dingdong, kung anuman ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page