top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

DINGDONG AT PAMILYA, NAGKA-COVID AFTER MAGPA-BOOSTER

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 25, 2022



Tinamaan din pala ng COVID-19 si Dingdong Dantes at ang kanyang pamilya. Inamin niya ito sa kanyang Facebook page last Sunday.


“Happy Sunday, everyone! Last day ng quarantine ko ngayong araw kaya I took this video para i-share sa inyo ang COVID experience namin.


“We are thankful dahil naka-recover kami mula rito. We hope and pray for everyone's safety and recovery.


“Sabay-sabay po nating malalagpasan ito. Kapit lang! Patuloy po tayong mag-ingat lahat!


“PS: Shout-out din sa kapatid kong si Trina Dantes Quema at Quema family, Melville Sy at Vien sa mga fruits, food at assistance na ibinigay n'yo sa amin. We love you,” ang post ni Dong.


Sa video ay ikinuwento niya ang naging journey nila ng kanyang pamilya sa COVID. Thankfully ay mild lang ang symptoms nila.


Kuwento ni Dong, ilang araw matapos ang kanyang booster ay napansin daw niyang maraming nagkakasakit sa kapaligiran at neighborhood nila.


Hanggang sa nilagnat na rin sila at nagkaroon ng sintomas ng COVID.


“Halos lahat ng mga kakilala namin, mayroong positive case sa bahay hanggang sa halos lahat kami rito sa bahay, nilagnat, nagkaroon ng sintomas. Kaya inisip namin, mukhang ito na 'yun, mukhang nasama na kami sa surge.


"Nag-test kami at nag-positive sa COVID. Sa totoo lang, hindi namin alam kung saan at paano kami nahawa. Mabuti na lang, mild lang ang naging sintomas namin," kuwento ni Dong.


Okay na raw sila ngayon and in fact, balik-trabaho na siya kahapon, Monday.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page