DINGDONG AT MARIAN, BAGONG JOHN EN MARSHA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 10, 2022

Magiging abala ang schedule ng Primetime King na si Dingdong Dantes sa Mayo dahil madaragdagan ang kanyang mga shows sa GMA Network.
Isang sitcom ang pagsasamahan nina Marian at Dingdong, ang Jose and Maria sa Bonggang Villa na mapapanood tuwing Sabado nang gabi.
Kakaumpisa lang ng kanyang game show na Family Feud na siya ang host. Ongoing pa rin ang Amazing Earth na umeere tuwing Linggo sa GMA-7.
Ikinatutuwa ng mga tagahanga nina Dingdong at Marian na natuloy ang sitcom na pagsasamahan ng kanilang idolo.
Tiyak na mag-e-enjoy ang real-life couple dahil magiging natural ang kanilang pagganap bilang mag-asawa. Sila ang makabagong version ng John en Marsha!
At sakto ang sitcom na Jose and Maria sa Bonggang Villa dahil mapapanood na kung paano sila magkulitan bilang mag-asawa kapag nasa bahay lang.





Comments